TV

EXCLUSIVE: Ano ang nilo-look forward nina Kokoy de Santos at Angel Guardian sa 'Running Man Philippines'?

By Aedrianne Acar

Ready to run and compete sa mga mission ang Sparkle talents na sina Kokoy de Santos at Angel Guardian sa pinakabago nilang show na Running Man Philippines.

Magsisilbing reunion project ito ng dalawa, matapos sila mapanood sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bilang sina Patrick at Beth.

Sa web exclusive video ng Running Man Philippines, ibinahagi ni Kokoy na looking forward siya na mapaikata sa lahat ang kultura ng mga Pinoy sa tulong ng show.

Paliwanag ng Kapuso heartthrob, “'Yung time na maipalabas tayo at mashare natin kung ano klaseng culture meron din tayong mga Pinoy sa Korea at sa atin dito sa Pilipinas.”

Samantala, excited naman si Angel Guardian na maka-bond sa shoot nila sa South Korea ang buong cast pati na rin ang team ng SBS Korea.

Saad niya, “Ang nilo-lookforward ko sa Running Man Philippines is siyempre 'yung bond nitong team.

“[And] 'yung culture rin ng Korea, since first-time ko magko-Korea.”

Alamin kung ano klaseng player sina Kokoy at Angel sa exclusive video na ito ng Running Man Philippines.

Maging updated tungkol sa Running Man Philippines by visiting GMANetwork.com o i-follow ang lahat ng official social media pages ng programa.

Facebook- https://www.facebook.com/GMARunningManPH

Instagram- https://www.instagram.com/gmarunningmanph

Twitter- https://twitter.com/GMARunningManPH

TikTok- https://www.tiktok.com/@gmarunningmanph