TV

Paano nama-manage nina Mavy at Cassy Legaspi ang studies at kanilang showbiz career?

By Maine Aquino

Nahahati ang oras ng celebrity teens na sina Mavy at Cassy Legaspi sa school at sa kanilang showbiz career. Paano kaya ito nama-manage?

Kuwento ng kambal sa ginanap na Sarap, 'Di Ba? media conference, ang pag-aaral nila ang kanilang top priority kaya dapat ay bigyan nila ito ng atensyon kahit na sila ay nasa taping.

Kuwento ni Cassy, "Actually po 'yung taping namin it should always be after school so siyempre po we're focusing on our education first."

Nilinaw naman ni Mavy na naka-focus din sila sa kanilang shows kaya during taping ay nagsisingit sila ng school work.

"Siyempre nagfo-focus kami sa show so dinadala nalang namin 'yung mga books and notebooks namin sa set so 'pag during break time doon kami nag-study. We manage our time very well with work and school po."

Mapapanood sina Mavy at Cassy simula ngayong October 20 sa Sarap, 'Di Ba? at 10:45 a.m.