TV

Pops Fernandez at Legaspi family, ipapakilala ang kanilang fur babies sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino

Cute na cute na pets ng ibibida ngayong November 28 sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Sa episode na ito mapapanood natin ang cute na cute na fur babies ng original concert queen na si Pops Fernandez. Bibida rin ang kanyang mga plants sa mini home garden na itinuturing niyang another source of happiness.

Photo source: Sarap Di Ba Bahay Edition

Ipapakita rin ni Pops ang kanyang pre-Christmas burger recipe kasama ang kanyang anak na si Ram Nievera.

Hindi rin magpapahuli sina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi dahil ipapakilala rin nila ang kanilang mga fur babies. Plus, may 5k Giveaway pa para sa mga manonood ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Abangan ang masayang episode na ito ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.

RELATED CONTENT:

WATCH: Legaspi family, ibinahagi kung paano mag-quarantine Kris Kringle

WATCH: Legaspi family, sinubukan ang Cookie Roulette Challenge