TV

Ruru Madrid, na-pressure bang katrabaho si Janine Gutierrez sa 'Sherlock Jr.?'

Bumisita sina Ruru Madrid at Janine Gutierrez sa Kapuso ArtisTambayan upang i-promote ang kanilang panibagong primetime series na Sherlock Jr.

Dito, may isang fan na nagtanong kina Ruru at Janine kung na-pressure ba silang makatrabaho ang isa't-isa.

Ayon kay Ruru, bilang isang aktor, nakaka-inspire daw makatrabaho si Janine dahil sa galing nito umarte.

"First time ko na maka-work si Janine sa isang soap but before kasi nag-guest siya sa Encantadia pero sobrang sandali lang at hindi kami nagka-eksena. Working with Janine, sobrang nakakatuwa kasi hindi ko in-expect na ganiyan siya kabait. Sobrang natutuwa ako na naging katrabaho ko si Janine, kumbaga feeling ko sa mga scenes namin may mga natututunan pa ako sa kaniya. Nakakahugot ako sa kaniya, 'yung mata niya kasi 'eh, 'pag tinitigan mo 'yung mga mata niya, nangungusap, parang madadala ka na lang din doon. Masaya, sana 'di ito 'yung last na magkasama kami sa trabaho," wika niya.

Inamin naman ni Janine na matagal niya nang sinusubaybayan si Ruru.

"Masaya pero seryoso, I've always been a fan talaga kasi magaling talaga si Ruru bata pa lang siya, gusto ko rin talaga siya maka-work," sabi ni Janine.

Panoorin ang Kapuso ArtisTambayan video nina Ruru at Janine below kung saan sinagot ng dalawa ang mga tanong ng kanilang fans: