GMA Logo Glydel Mercado, Aubrey Miles
PHOTO COURTESY: Paulo Navarra
What's on TV

Glydel Mercado, Aubrey Miles, bumilib sa acting performance ng young stars ng 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published August 29, 2024 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Glydel Mercado, Aubrey Miles


Ano kaya ang masasabi nina Glydel Mercado at Aubrey Miles sa acting skills ng young cast ng 'Shining Inheritance?'

Pinuri nina seasoned stars Glydel Mercado at Aubrey Miles ang young stars ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.

Bibigyang-buhay ni Glydel ang role bilang Lani Vergara-Villarazon habang gagampanan naman ni Aubrey ang karakter bilang Sonia De La Costa sa naturang serye.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa dalawang aktres at celebrity moms, bumilib sila sa acting performance ng young stars ng Shining Inheritance.

“'Yung sa mga bagets naman dito, surprisingly, magagaling sila. Si Paul Salas kasi nakasama ko na siya before. Si Kate, siya 'yung palagi kong nakaka-eksena. First time ko siyang naka-eksena pero may future, magaling 'yung bata. Si Kyline, magaling din talaga and si Michael. May future sila, kaya keep it up,” pagbabahagi ni Glydel.

Ayon naman kay Aubrey, marami siyang natututunan na techniques sa pag-arte mula sa young cast ng serye.

Aniya, “The attack na ginagawa nila is different from what I'm used to. But of course, it's good too. Magagaling sila ngayon, as in maraming magagaling ngayon and you'll learn from them na masu-surprise ka na… okay din pala na may mga atake sila na it works like that.

“I like it kasi kapag nakikita ko si Ms. Coney, si Kyline, si Michael, nakikita ko 'yung difference ng acting. Ang dami kong, 'Ah, dapat ganito.' So I'm still learning kahit na ang tagal ko na sa showbiz. Happy ako na dalawang [magkaibang] generation nakakasama ko sa work.”

Samantala, kuwento naman ni Glydel na “very harmonious” ang on-and-off-cam relationship ng buong cast dahil lahat sila ay nagtutulungan.

"Actually noong story conference pa lang namin, si Tita Coney sinabi na, 'We are a team. So kailangan magtulungan tayo.' Kaya 'yun 'yung laging nasa utak ko na we are a team.

"Halimbawa, kung mayroong kailangan ng tulong ng isang kasamahan namin o co-actor, talagang nagtutulungan kami. Kaya off-cam [at] on-cam, maganda 'yung relationship naming lahat, very harmonious,” saad niya.

Abangan ang Shining Inheritance sa September 9 sa GMA Afternoon Prime.