TV

Pagbabalik ni Cholo sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Hindi pa rin nagbago ang pagtitinginan nina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos) kahit lumipas na ang maraming taon.

Maraming naging hadlang sa kanilang magandang samahan pero minabuti nilang tuparin ang kanilang pangako.

Sa pagbabalik ni Cholo mula Amerika, muli nilang sasariwain ang naudlot nilang pag-iibigan.

Balikan ang mga eksenang 'yan sa ika-limang episode ng Stairway To Heaven:


Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.