TV

Marriage proposal ni Cholo kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Kahit matagal nagkahiwalay, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Cholo (Dingdong Dantes) para kay Jodi (Rhian Ramos) kaya naman hindi na niya pinalampas na alukin ito ng kasal.

Naghanda ng isang romantic date ang binata sa Eldar's Kingdom para doon niya inabot ang singsing.

Hindi naman nag-atubiling sumagot ng oo si Jodi nang sabihin ni Cholo na "Please, marry me."

Balikan ang nakakakilig na eksenang 'yan sa ika-pitong episode ng Stairway To Heaven:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.


Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.