TV

Jodi's fake death in 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa ika-siyam na episode ng Stairway To Heaven, pineke ni Eunice (Glaiza De Castro) ang pagkamatay ni Jodi (Rhian Ramos) matapos niya itong sagasaan.

Napaniwala niya si Cholo (Dingdong Dantes) na patay na si Jodi matapos niyang ilagay ang engagement ring at wallet nito sa isang sunog na bangkay sa ospital.

Samantala, dinala naman ni Eunice ang kanyang stepsister sa bahay ng kanyang amang si Dindo (Soliman Cruz) habang wala itong malay.

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:


Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.