TV

Engagement nina Cholo at Eunice sa Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa gitna pagluluksa ni Cholo (Dingdong Dantes) sa pagkawala ni Jodi (Rhian Ramos), kinuha ni Eunice (Glaiza De Castro) ang pagkakataong ito para damayan ang una.

Nagprisinta ang dalaga na samahan si Cholo sa Amerika para tulungan siyang maka-move on kay Jodi.

Makalipas ang limang taon, bumalik sila ng Pilipinas.

Isang party ang ginanap para i-welcome ang dalawa at doon inanunsyo ni Maita (Jean Garcia) na engaged na sina Cholo at Eunice.

Labag sa kalooban ng binata ang pag-alok niya ng kasal sa huli kaya naman ikinagalit niya ang pagsasapubliko ng kanilang engagement.

Balikan ang mga eksenang 'yan sa episode 11 ng Stairway To Heaven:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.