TV

Pagbabanta ni Maita kay Jenna sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa Episode 27 ng Stairway To Heaven, hindi makapaniwala sina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza De Castro) nang dalhin ni Jovan (Jestoni Alarcon) si Jenna (Rhian Ramos) sa kanilang bahay.

Sinalubong ng sampal at sabunot ni Eunice ang huli dahil sa selos at sinira pa kay Jovan.

Hindi nagpatinag si Jovan kaya dinala na lamang niya si Jenna sa kuwarto ng kanyang anak na si Jodi.

Umeksena si Maita sa masayang sandali ng mag-ama, at kunwaring humingi ng paumanhin kay Jenna bago aluking kumain ng merienda bilang peace offering.

Ang masaya sanang merienda ay napalitan ng takot matapos bantaan ni Maita si Jenna na huwag nang babalik sa kanyang pamamahay.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.