TV

Pakikipaghiwalay ni Cholo kay Eunice sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 46 ng Stairway To Heaven, nakipaghiwalay na si Cholo (Dingdong Dantes) kay Eunice (Glaiza De Castro) matapos niyang malaman na may kinalaman ito sa pekeng pagkamatay ni Jodi (Rhian Ramos).

Niloko ni Eunice si Cholo nang limang taon kaya galit na galit ang binata sa kanya.

Samantala, masayang nakasama muli ni Jodi ang kanyang amang si Jovan (Jestoni Alarcon) at binalikan ang mga masasayang alaala nila noon.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.