TV

Pamba-black mail ni Maita kay Zoila sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 52 ng Stairway To Heaven, gustong madaliin nina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos) ang kanilang kasal matapos mabisto ang pagkukunwari ni Eunice (Glaiza De Castro).

Ito lang ang paraan para tumigil na ang huli sa pangingialam sa relasyon ng magkababata.

Gayunpaman, hindi pa rin hihinto si Maita hangga't hindi naikakasal ang kanyang anak kay Cholo at para mangyari ito, gagamitin ni Maita ang sikreto ng ina ng binata na si Zoila bilang pang-black mail: ang pakiki-apid nito sa isang pamilyadong congressman.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.