TV

WATCH: Jennylyn Mercado, Mark Herras at Migo Adecer, ibinahagi ang nagawa ng 'StarStruck' sa kanilang career

By Maine Aquino

Tatlong Ultimate Survivors ng StarStruck ang nagbigay ng kanilang pahayag tungkol sa pagbabago ng kanilang buhay nang sumali sila sa reality-based artista search.

Migo Adecer, Jennylyn Mercado, at Mark Herras

Ayon sa StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer, ito umano ang naging daan para makamit ang mga dati'y isang pangarap lamang para sa kanya. Aniya, "Ito ang bumuo ng aking pangarap."

Ang StarStruck batch 1 Ultimate Male Survivor na si Mark Herras ay inilahad na hindi lang career ang umusbong sa kanya kundi pati na rin ang estado ng buhay ng kanyang pamilya.

"Ang tumulong para iangat ko ang buhay ng aking pamilya."

READ: Online audition para sa 'StarStruck,' binuksan na

Para sa StarStruck batch 1 Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado, walang imposible pagdating sa pag-abot ng pangarap.

Saad niya, "Basta maniwala ka lang."

WATCH: #TheStarStruckExperience goes to Davao and Dagupan