TV

CONFIRMED: Kyline Alcantara now part of 'StarStruck' as its online host

By Jansen Ramos

Matapos ang ilang buwang espekulasyon, kinumpirma ni Kyline Alcantara sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com na magiging host siya ng online show ng biggest reality-based artista search on TV, ang StarStruck.

Kyline Alcantara

Sa edad na 16, napatunayan na niya na mayroon siyang ibubuga, hindi lang pagdating sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw, kung 'di sa pagho-host din noong simula siyang naging parte ng Sunday PinaSaya at Studio 7.

Kaya naman, laking tuwa ni Kyline nang malaman niyang magkakaroon siya ng sariling online show na pinamagatang Inside StarStruck para sa ika-pitong season ng StarStruck.

"I am really happy because it's an honor na makasali sa Starstruck, and I'm excited sa journey ko as their online host," ika niya.

Malaki ang papel ni Kyline bilang online host ng Inside StarStruck dahil dito ire-reveal ang Top 22 hopefuls sa unang pagkakataon.

Bukod pa rito, aniya, dapat daw huwag itong palampasin dahil dito mapapanood ang "exclusive online updates sa journey ng contestants to stardom."

Bilang total performer, ibinahagi rin ni Kyline kung anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aspiring artist para mag-stand out sa kompetisyon.

"Dapat dedicated ka talaga sa craft mo, and dapat alam mo talaga 'yung goal mo sa pagiging artist o sa pagiging performer.

"'Yun naman siguro 'yung importante sa pagiging artista.

"Kumbaga, if you love your work, work lang nang work," bahagi niya.

Abangan si Kyline sa Inside StarStruck simula June 10, 6 p.m., sa official YouTube channel ng StarStruck.

Huwag kalimutang pindutin ang 'Subscribe' button sa upper right corner ng page para hindi maka-miss ng episode.

WATCH: 'StarStruck' Season 7 council, ipinakilala na!

WATCH: Cherie Gil's "Don't Call Me Tita" sends chills down the spine