TV

WATCH: Rere Madrid, ibinahagi ang naramdaman nang malamang gusto siyang maalis ng karamihan sa 'StarStruck' girls

By Maine Aquino

Umiinit na ang kompetisyon sa StarStruck season 7, at nagkakaroon na rin tensyon sa pagitan ng mga Artista Hopefuls.

Sa episode last July 14, pinapili ang girls kung sino ang gusto nilang matanggal sa kompetisyon. Apat sa kanila ay pinangalanan si Rere Madrid kaya siya ang nakakuha ng highest votes. Ilan sa mga rason ay dahil siya umano ay "namba-backstab" at "plastik" sa grupo.

Ipinaliwanag ni Rere na hindi niya kayang i-please ang lahat ng makakasama niya.

"For me po siguro, hindi ko namang kayang i-please ang kahit sino man sa kanila. Kung 'yun po ang nakikita nila sa akin, okey lang po 'yun, basta ako lumalaban po ako kasi competition 'to. Ito po 'yung pangarap ko.."

Pagpapatuloy pa ni Rere ay sana bigyan siya ng chance na maging artista. Saad niya, "Sana po bigyan ninyo ako ng chance na, alam niyo 'yun, matupad ang pangarap ko na maging isang artista."

Panoorin ang kabuuang kuwento ng StarStruck girls at ang kanilang pagboto.