TV

Yasmien Kurdi, sisiguraduhing mananalo si Lexi Gonzales sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Si Yasmien Kurdi ang magsisilbing mentor ni Lexi Gonzales sa mga darating na artista tests ng StarStruck.

Yasmien Kurdi,

Dahil dito, sisiguraduhin niya umanong mananalo ang kanyang pambato sa original reality-based artista search.

Kuwento ni Yasmien, nagagalingan siya kay Lexi at inaming botong-boto siya rito.

"Ang galing niya, promise. Kasi noong napanood ko siya sa mga tapings niya, nandun eh. Alam mong natural sa kanya ang pagiging aktres. Botong-boto ako sa alaga ko."

Nagbigay rin ng payo si Yasmien para siguraduhing mananalo si Lexi bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck season 7.

Ayon kay Yasmien, "To stay focused doon sa tasks niya at sa pagiging artista.

“Huwag muna siyang makikinig sa mga tao sa paligid niya na nagba-bash.

“Sabi ko sa kanya, 'yung mga bashers na 'yun, 'yun din ang magpapaangat sa kanya. Kung wala kang bashers, wala kang supporters."

Ibinahagi rin ni Yasmien ang kanyang game plan para kay Lexi, "Siguro mas tututukan ko 'yung image niya at bawat eksena.

“Lalo na 'yung pag-atake niya sa bawat words kasi gusto niya i-focus 'yung acting.

“So, siguro mas tutuunan ko ng pansin 'yung pagbitaw niya ng mga bawat words sa mga dialogue.

“Tinuruan ko siya kanina kung paano siya maghahati-hati ng dialogues sa script."

Nag-iwan rin ng mensahe sa kanyang alaga, aniya, "Good luck Lexi! Mananalo ka!"