TV

Kim De Leon, nagpapasalamat sa kanyang narating sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat ang male hopeful na si Kim De Leon sa kanyang narating sa StarStruck season 7.

Kim De Leon

Kuwento ni Kim ay nagapapasalamat siya at ng kanyang mga kasama sa StarStruck na sina Allen Ansay, Shayne Sava, at Lexi Gonzales na umabot sila sa Final 4.

"Sobrang thankful po namin kasi from start lumalaban po kami tapos hanggang ngayon na Final 4, nandito pa rin po kami. Sobrang thankful po namin."

Dagdag pa ni Kim, nakarating siya sa Final 4 dahil sa kanyang naging experience bilang isang commercial model.

"Para sa akin po, sobrang laking tulong po nung pagiging commercial model ko kasi 'yung experience po. Doon po nag-start, and 'yun po ang nag-push sa akin na sumali dito sa StarStruck."

StarStruck Final Judgment, mapapanood na ngayong September 14 at 15

Kahit na may experience si Kim sa pag-arte sa commercials, hindi niya raw inisip na mas nakakalamang siya sa kanyang mga kasama sa StarStruck.

"Hindi ko po iniisip na ahead po ako sa kanila kasi ang mas mahalaga po sa akin 'yung mahal ko 'yung ginagawa ko. Kapag mahal mo, ipu-push mo pa at mage-enjoy ka lang. Gagawin mo lang kung ano ang gusto mo."

Panoorin ang StarStruck season 7 Final Judgment ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.