TV

Kate Valdez, bumilib kay Khalil Ramos sa 'Stories from the Heart: Love On Air'

By Jimboy Napoles

Kapuso pa rin ang aktres na si Kate Valdez matapos siya mag-renew ng management contract sa GMA Artist Center kamakailan. Sa ngayon, napapanood si Kate sa Stories from the Heart: Love On Air kasama ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

First time daw na makatrabaho ni Kate si Khalil sa isang proyekto pero wala raw naging ilangan sa pagitan ng dalawa kahit pa magkarelasyon ang kanilang mga karakter sa "Love On Air." Sa katunayan, bumilib nga raw si Kate sa pagiging professional sa trabaho ni Khalil.

"First time ko pong makatrabaho si Khalil 'yung character namin dito original partners as DJ. He is so professional at first kinabahan ako pero thanks to him [he guided me] na hindi mailang sa kaniya kasi merong mga scenes na sobrang sweet kasi nga may relationship 'yung characters namin," kuwento ng aktres sa isang panayam.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa aktor dahil sa pag-alalay nito sa kaniya sa taping ng nasabing series.

"I feel so grateful kasi inalalayan niya ako," aniya.

Masaya rin daw si Kate na muling makasama ang girlfriend ni Khalil na si Gabbi sa isang series.

Kuwento niya "Kay Ate Gab naman second time namin since wala kaming masyadong eksena together, I just feel happy na nakita ko lang siya sa set so okay na sa akin 'yun and I feel so happy and before magkasama naman kami sa Encantadia."

Kasama rin ni Kate sa series ang ang nagbabalik Kapuso na si Sunshine Cruz at ang ilan pang Kapuso stars na sina Yasser Marta, Kiray Celis, Anjo Damiles, at Jason Francisco.

Mapapanood ang Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: