TV

WATCH: Wally Bayola, inalipusta ang acting ni Janice de Belen sa 'Destined to be Yours?'

By BEA RODRIGUEZ

Hindi pumasa kay Coach Cynthia ang pag-arte ng nagbabalik Kapuso na si Janice de Belen sa isang eksena ng multi-awarded actress sa upcoming primetime soap na Destined to be Yours. Kinailangan niya pang sumailalim sa workshop ng 'Coach Cynthia’s Overacting Academy.'


LOOK: #WelcomeBack: Janice de Belen returns to GMA-7 

Bagamat natural ang pag-arte ng beteranang aktres sa partikular na eksena, nakukulangan pala si Coach Cynthia sa pag-express ni Janice sa kanyang body movements bilang psychic.

WATCH: Destined To Be Yours Full Trailer: The hand of destiny 

Ginamit ng Coach Cynthia’s Overacting Academy instructor ang kanyang signature acting style na kinailangang sundin ng Destined to be Yours star. Pasok sa banga na ba ng Primetime si Mommy Sally?

Panoorin ang nakakatuwang segment ng Sunday PinaSaya kahapon, tampok sina Wally Bayola, Valeen Montenegro, Janice de Belen at ang kanilang bisita na si Maine Mendoza. Mapapanood na rin ang kanilang GMA Telebabad soap sa nalalapit na February 27.


WATCH: Cast ng AlDub teleserye na ‘Destined to be Yours,’ ipinasilip!