TV

Cherie Gil, Jon Lucas in May-December romance on 'Tadhana'

By Dianara Alegre

Para sa third anniversary special ng weekly afternoon anthology na Tadhana ay magsasama ang batikang aktres na si Cherie Gil at ang Descendants of the Sun PH actor Jon Lucas.

May-December affair ang tema sa naturang episode. Gaganap si Cherie Gil bilang si Cordelia, isang biyuda na namatayan ng tatlong naunang asawa. Gagampanan naman ni Jon ang karakter ni Ramil, isang mangingisda na iibig kay Cordelia.

Source: macherieamour (IG) ; lucas_aljhon (IG)

“She's a very simple woman who owns an almost rundown resort. She tries to survive and keep the resort afloat dahil nga sa pandemya,” paglalarawan ni Cherie sa kanyang karakter nang makapanayam ng 24 Oras.

Dagdag pa niya, naging magaan ang taping nila ni Jon dahil kaagad naman siyang naging komportable sa aktor.

“He's quite [a] serious actor and willing to really delve into it. I'm looking forward. Kaagad naman akong nagkaroon ng magaan na connection,” aniya.

Mapapanood ang Tadhana sa Sabado, November 21.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.