TV

Dear Uge' meets 'Dear Boobay and Tekla' sa 'TBATS' ngayong Linggo

By Cherry Sun

Sanib-puwersa sina Eugene Domingo, Boobay at Tekla sa paghahasik ng katatawanan ngayong Linggo, October 18 dahil ang Dear Uge star ang special guest sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Level up ang 'Dear Boobay and Tekla' segment dahil makikisaya si Eugene sa pagsagot sa mga letter senders ng fun-tastic duo. Si Uge rin ang makakasama nina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang mga biktima, mga UAAP basketball players na inakalang magiging bahagi sila ng Sunday comedy anthology na Dear Uge.

Kakaibang pagsubok naman ang mapapanood sa 'The Whisper Challenge' kung saan makikipaglaro ang fun-tastic duo kina Jo Berry, Divine Aucina, Jelai Andres, at Dave Bornea.

Samantala, masusubok din ang pedestrians sa mga nakakalitong tanong nina Boobay at Tekla sa 'TBATS on the Street.'

Eksenang walwalan naman ang mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody kung saan dalawang broken-hearted strangers ang may madidiskubre tungkol sa isa't isa.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 25, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!