TV

Gladys Reyes, kasamang manggu-good time nina Boobay at Tekla sa 'TBATS'

By Cherry Sun

Bonggang bonggang panggu-good time ang hatid nina Boobay at Tekla dahil si Gladys Reyes ang makakasama nila sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, June 21.

Pagtutulungan ni Gladys Reyes at ng fun-tastic duo ang isang masahista. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanilang biktima kapag maipit siya sa away ng kilalang Primera Kontrabida at ni Boobay?

Special guest din nina Boobay at Tekla si Marian Rivera sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody. Ang dalawang komedyante magpapakilang tunay na magulang ng Kapuso Primetime Queen.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, June 21, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!