TV

EXCLUSIVE: Ina Feleo, natutunan umarte nang 'natural' kay Jaclyn Jose

By Aedrianne Acar

Tila nagbalik-eskuwela ang Kapuso star na si Ina Feleo nang tinaggap ang role sa primetime series na The Better Woman.

Ina Feleo

Ito ay dahil sa dami ng kanyang natutunan sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Ina, ibinahagi niya na pinaalala sa kanya ni Jaclyn ang importansya ng natural na pag-arte sa harap ng camera.

Kuwento niya, “'Pag ka-eksena mo siya, mare-remind ka talaga na kailangan mo maging natural.

“Kasi, si Tita Jaclyn, she doesn't push. Hindi niya ipu-push dahil yun ang ine-expect ng audience.

“Nare-remind ako bilang artista na play for truth, huwag mong sobrahan.”

Jaclyn Jose on Andrea Torres: "Ang laki ng improvement"

Usap-usapan na rin online ang ilan sa sexy scenes nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa The Better Woman.

“Ine-expect ko sa kanila yun” natatawang sabi ni Ina.

Ayon sa anak ni Direk Laurice Guillen, hindi matatawaran ang kaseksihan ng hottest primetime couple at bilib din siya sa kasipagan ng kanilang lead stars sa The Better Woman.

“Na-excite ako nung nalaman ko sila yung team up kasi, like Derek, given na steamy siya,”

“Tapos si Andrea, like effortless sexy, yung ganun. So sabi ko, 'Ang ganda nito.' Like, physically pa lang, ang ganda niya.

“Pero nung nakita ko 'yung like mga clips na din, they are both very hardworking.

“Lalo na si Ada kasi dalawa na yung pino-portray niya.”

Abangan ang world premiere ng The Better Woman weeknights, simula July 1, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Derek Ramsay and Andrea Torres heat up primetime TV with 'The Better Woman'