TV

Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco, may advice sa 'The Clash' season three hopefuls

By Jansen Ramos

Opisyal nang isinarado ang online audition para sa season three ng all-original Filipino singing competition na The Clash noong August 9 at unti-unti nang sinasala ang mga maaaring tumungtong sa next round.

Kamakailan ay inilabas na rin ng programa ang listahan ng mga pumasa sa first screening ng audition.

Pressure at kaba ang kalaban ng The Clash hopefuls dahil daan-daan ang nag-audition mula sa iba't ibang panig ng bansa para sa kompetisyon.

Kaya ngayon pa lang, nagbigay na ng advice ang The Clash winners na sina Golden Cañedo at Jeremah Tiangco sa future Clashers na ibinahagi nila sa isang panayam ng The Clash judge na si Christian Bautista sa YouTube channel nito.

Payo ni Jeremiah sa kanila, "Enjoy being teachable, enjoy lessons to make you improve."

Magandang experience ang pagsali sa The Clash dahil hindi lang pagkanta ang hahasain dito, dahil may workshop din para sa personality development at sa iba pang aspeto para maging total performer.

"Kung sa tingin mo perfect ka na, e, sinasabi ko sa 'yo na meron ka pang pwedeng i-improve," ani Jeremiah.

"Kung 'di ka mag-e-enjoy, lalo ka lang made-depress tapos maggi-give up ka agad. Both are very, very important lessons.

"Wala po akong idea kung anong pwedeng mangyari sa season na 'to pero expect ng mga magiging Clashers na mahihirapan sila kapag pumasok sila d'yan kaya galingan n'yo.

"I-enjoy n'yo 'yung moment 'pag and'yan na kayo sa stage, 'pag nasa workshops kayo, i-enjoy n'yo 'yung friendship, siyempre, 'yun 'yung hindi mawawala.

"Kahit hindi man kayo umabot sa pinakamalayo, 'yun 'yung hindi mawawala na memories, 'pag nagkaroon kayo ng maraming friends, sobrang saya n'yan."

Sinang-ayunan naman ni Golden ang pahayag ni Jeremiah.

Ika niya, "just enjoy what you are doing po.

"Maraming mangyayari so sobrang pahihirapan po kayo.

"Hindi s'ya ordinaryo na competition so maganda po sa experience ninyo na sumali kayo ng The Clash kasi hindi lang s'ya competition para sa pagkanta, kino-compete mo mismo 'yung sarili mo kasi kung paano mo iha-hande 'yung self mo during The Clash.

"Nasa sa 'yo talaga 'yung kapalaran mo kaya nga isa laban sa lahat.

"Just follow your heart, kung sa'n ka happy, kung sa'n ka enjoy, 'wag mo isipin na para lang 'to sa 'yo, isipin mo 'yung mga taong nagmamahal at sumusuporta sa 'yo, and be always with God all the time."

Panoorin ang buong panayam dito: