TV

EXCLUSIVE: Jo Berry welcomes 'good kind of pressure' in 'The Gift'

By Aedrianne Acar

Buong puso na tinatanggap ni Jo Berry ang pressure ng pagsisimula ng kinabibilangan niyang bagong GMA Telebabad series na The Gift kagabi, September 16.

Ang The Gift ay pinagbibidahan ng Asia's Multimedia star na si Alden Richards.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jo Berry matapos ng grand media conference ng “Kiko En Lala, sinabi niyang mas determinado siyang galingan ang mga eksena niya sa Kapuso soap dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood.

Wika ni Jo, “It's a good kind of pressure naman po and overwhelmed kami sa Twitter nag-trend tayo!

“And maraming nanood and nag-comment, nag-tag sa amin lahat, so ngayon po nararamdaman ko is mas kailangan ko pa galingan.

“Kasi, 'yung reaksyon ng mga tao sa pilot episode ay sobrang na-hook na sila agad kaya sana po huwag sila bibitaw kasi ngayon mas gagalingan pa po namin.”

World premiere ng 'The Gift,' mainit na tinanggap ng netizens

Hindi rin daw niya nakitaan ng kaba si Alden Richards kagabi habang nanood ang buong cast ng world premiere ng The Gift.

“Wala, walang pong kaba! Kasi it's our second time na to watch the pilot episode kasi nung nag-blogcon nanood kami ng pilot episode.

“Pero parang first time pa rin, excited kaming lahat, 'tapos affected kami kahit alam namin 'yung mangyayari.”

“Lahat kami kahapon tahimik at talagang ninamnam namin bawat scenes, after nun kinongrats talaga namin si Direk [L.A. Madridejos] kasi kung hindi dahil kay Direk L.A. hindi po mapu-pull off 'yung ganung kalalabasan ng The Gift,” dagdag ni Jo Berry.

Samantala, bukod sa The Gift, mapapanood din si Jo Berry sa debut film niyang Kiko En Lala as Tadhana. na sister ng karakter ni Divine Tetay na si Wagas.

Malaki ang pasalamat ng Kapuso actress sa co-stars at direktor niya sa movie na si Adolfo Alix Jr.

Kiko En Lala is something new for me, this is my comedy ever.

“Ang galing ng mga kaeksena ko and siyempre alalay si Direk Adolf kasi alam niya na bago nga po ako sa comedy, so abangan po nila diyan 'yung funny po talaga na Tadhana, hindi po nila ie-expect 'yun 'yung mga scenes namin ni Ate Tetay, ang saya!”

Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.