TV

Cast at crew ng 'The Gift,' magkakasamang nanood ng 'The Panti Sisters'

By Marah Ruiz

Sabay-sabay na nanood ng Pista ng Pelikulang Pilipino film na The Panti Sisters ang cast at crew ng pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.

Cast at crew ng 'The Gift,' magkakasamang nanood ng 'The Panti Sisters'

Ito ay suporta nila sa co-star na si Martin del Rosario na isa sa mga bida sa naturang pelikula.

Present sa movie night sina Martin, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Victor Anastacio, The Gift director LA Madridejos, The Gift executive producer Shielyn Atienza, at iba pang bahagi ng production staff ng serye.

Kasama din nila si Kapuso actress Thea Tolentino.

Pinarangalan ng Pista ng Pelikulang Pilipino si Martin ng kanyang unang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa pelikula.

Martin del Rosario is best actor of Pista ng Pelikulang Pilipino 2019

Umani ng higit P100 million sa takilya ang The Panti Sisters at extended pa ang showing nito sa mga sinehan nationwide.

Bukod kay Martin, tampok din dito si Paolo Ballesteros at Christian Bables bilang magkakapatid na beki.

EXCLUSIVE: Sinong cartoon character ang pinagbasehan ni Martin del Rosario para sa kanyang role sa 'The Panti Sisters'?

Samantala, abangan ang napipintong paglabas ni Martin bilang Jared sa The Gift. Tumutok dito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.