TV

EXCLUSIVE: Martin del Rosario, nagpapalaki ng katawan para role sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Sigurado raw si Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Best Actor Martin del Rosario na kaiinisan siya gabi-gabi sa pinakabagong GMA Telebabad series ng The Gift.


Gaganap siya rito bilang Jared, na isang aspiring politician at half-brother ni Sep, ang karakter ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Martin del Rosario as Jared in 'The Gift' | Teaser

"Si Jared kasi oportunista na may inggit [kay Sep].

“Buong buhay niya, gusto niyang makuha 'yung atensyon ng nanay niya pero 'di niya nakukuha kasi half-brother nga siya ni Alden.

“Feel niya 'yung nanay niya may matagal na hinahanap," paglalarawan ni Martin sa eksklusibong panayam sa kanya ng GMANetwork.com

Dagdag pa niya, "Si Jared very selfish, mahilig mag power trip. Napaka-immature niya kasi ang bata bata pa lang niya, nakakuha na siya kaagad ng power.”

Kasalukuyan din daw niyang pinaghahandaan ang pisikal niyang kaanyuan para sa kanyang karakter.

"Physically, ngayon nagpalaki ako kasi payat ako noon. Two weeks na akong nag-gym kasi kontrabida, 'tapos si Alden mas matangkad sa akin.

“Marami kasi kaming confrontation [at] tapatan, so mas maganda kung believable na ang ganda nung tindig mo," paliwanag ni Martin.

Abangan si Martin bilang Jared sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Cast at crew ng 'The Gift,' magkakasamang nanood ng 'The Panti Sisters'

Thia Thomalla, alay sa yumaong kapatid ang 'The Gift'