TV

WATCH: Cast ng 'The Gift,' love life ang hiling para sa isa't isa

By Marah Ruiz

Sa pagbubukas ng taong 2020, ibinahagi ng cast ng inspiring GMA Telebabad series ng The Gift ang mga wish nila para sa isa't isa.

Naging matunog naman ang usapan ng pag-ibig dahil karamihan ng mga hiling nila para sa kanilang mga katrabaho ay love life.

"Sana mas bigyan mo ng change 'yung heart mo, na huwag kang pigil nang pigil," hiling ni Mikoy Morales para kay Jo Berry.

"My New Year's wish for Martin is mahanap na niya 'yung magpapasaya sa kanya. Gusto ko na siyang makitang may love life, may mga ka-date," pahayag naman ni Mikee Quintos para kay Martin del Rosario.

"Ang parangarap ko para sa kanya, sana huwag siyang magbago--number one. Number two--magkaroon ng konting pahinga. Number three--baka sakali, magkaroon ng love life," wish naman ni Elizabeth Oropesa para kay Alden Richards.

Alamin ang iba pa nilang mga wish para sa isa't isa sa online exclusive video na ito mula sa set ng The Gift.




Samantala, patuloy na tumutok sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, sinubukang maging vlogger sa set ng 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards pokes fun at Jo Berry's slippers on the set of 'The Gift'