TV

Actor-comedian Smokey Manaloto, mapapanood sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Sa paglalim ng kuwento ng inspiring GMA Telebabad series ng The Gift, marami pang haharapin ang bidang si Sep, na ginagampanan ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Kaakibat nito, marami din iba't ibang guest stars na dapat abangan sa serye.


Isa na dito ang beteranong actor-comedian na si Smokey Manaloto. Gaganap siya bilang Bradley, isang lalaking may koneksiyon kay Helga na ginagampanan naman ni Sophie Albert.

Bukod dito, may dala rin si Bradley na malaking pagbabago sa buhay ni Sep.


Kakampi ba o kaaway ni Sep si Bradley? At ano ang kinalaman nito kay Helga?

Abangan ang karakter ni Smokey sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

WATCH: Alden Richards has fun with Jo Berry's slippers in behind-the-scenes video from 'The Gift'

LOOK: Bae-by Baste, mapapanood ngayong gabi sa 'The Gift'