TV

WATCH: Smokey Manaloto, aminadong fan ni Alden Richards

By Marah Ruiz

May guest role si actor-comedian Smokey Manaloto sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Sa isang online exclusive video, ibinahagi ni Smokey ang tungkol sa karakter na gaganapan niya sa serye.

"Abangan niyo si Bradley, isang matapang na pulis--tuwid na pulis na tutulong kay Sep para mahuli na niya si Jared," pahayag niya.

Matagal ding hindi lumabas sa mga GMA show si Smokey kaya naman excited siyang muling makatrabaho ang mga Kapuso stars lalo na si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

"It's exciting kasi medyo matagal tagal din akong hindi nakapag taping sa channel 7. I'm really lookimg forward na makatrabaho si Alden kasi fan ako," kuwento ni Smokey.

"It's always a treat na makasama ko 'yung bagong directory naman sa listahan ko ng mga artista na matagal ko na rin hindi nakakatrbaho," dagdag pa niya.

Panoorin ang interview kay Smokey sa online exclusive video na ito mula sa set ng The Gift.




Abangan si Smokey at ang kanyang karakter na si Bradley sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Actor-comedian Smokey Manaloto, mapapanood sa 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, sinubukang maging vlogger sa set ng 'The Gift'