TV

Carla Abellana at Tom Rodriguez, nag-away dahil sa stress na dulot ng lockdown

By Aedrianne Acar

Bagama't nakapag-adjust na ang Kapuso primetime star na si Carla Abellana sa gitna ng pandemic, umamin siya na na-overwhelm din sila ng kanyang fiancé na si Tom Rodriguez.

Ayon sa To Have And To Hold lead actress, tulad ng maraming couples umabot sa puntong nag-aaway na sila ni Tom. Dagdag pa raw rito ang mga gawaing bahay na kailangan nilang gawin dahil wala ang kanilang kasambahay noong ipinatupad ang mas mahigpit na lockdown.

“Ang dami ko po, actually, kinailangan gawin given that I was by myself. Wala po ang aking kasambahay at that time, ang aking personal assistant.

“Thankfully, Tom was able to make it bago po nag-lockdown, so we had to take care of everything po talaga- cleaning, moping, dishwashing, lahat maglaba, magsampay, dogs, lahat po 'yan.

“Repairs mga ganun, but it kept us busy, pero overwhelming, dumadating sa point na nagiging overwhelming siya,

“Dumating din po sa point na nagkaka-arguments po kami, nag-aaway kami,” kwento ni Carla sa ginanap na Pinoy Abroad Fun Connect event ng GMA Pinoy TV kamakailan.

Ayon kay Carla, malaking tulong ng vlogging para maibsan ang nararanasan niyang anxiety sa gitna ng pandemya.

May mahigit sa 600,00 subscribers na ang YouTube channel ng aktres at may mahigit sa 19 million lifetime views na rin.

Wika niya, “So thankfully, along the way, of course, I continue vlogging, meron po ako sarili kong vlog. In a way, para mas ma-express ko hindi lang 'yung activities na ginagawa ko on a regular basis, but in a way parang I was hoping na baka may maka-relate sa akin, baka meron matuto ng bagong mga hobbies.

“So, shinare ko 'yung mga ginagawa ko po sa bahay. Through that mas [nakatulong] mentally and emotionally mas nailabas ko po 'yung anxiety that we experience early on the pandemic, so nakatulong naman siya,”

“Although I would get anxiety, pero thankfully slowly naka-adjust naman po, hindi naman ako nag-panic or anything well adjusted naman po.”

Malapit na mapanood si Carla sa To Have And To Hold, kung saan makakasama niya ang kapwa magagaling na aktor na sina Rocco Nacino at Max Collins.

Narito ang ilan sa sa aabangang eksena sa 'To Have And To Hold' sa GMA Telebabad.

Related content:

Max Collins shares how working out helped her mental state during the pandemic

Carla Abellana, pinuri ang co-stars na sina Max Collins at Rocco Nacino sa 'To Have and To Hold'