TV

Max Collins, na-challenge sa daring role niya sa 'To Have and To Hold'

By Aimee Anoc

Matinding challenge na maituturing ni Max Collins ang role niya sa upcoming GMA teledrama na To Have and To Hold.

Sa naganap na Pinoy Abroad Fun Connect sa GMA Pinoy TV para sa cast ng To Have and To Hold, inamin ni Max na challenging para sa kanya ang daring na role dahil unang beses niyang gagawin ito para sa isang serye.

"Para sa akin 'yung pinaka-challenging was 'yung emotions. Going through the experiences that Dominique had to go through kasi medyo roller coaster ride 'yung emotions, and 'yung experiences," pagbabahagi ni Max.

Dagdag pa niya, "And actually, allowing myself to be affected by everything that was happening. And also because may pagka-daring din 'yung role na 'to for me. I've never done anything like this before so that was also a challenge,"

Bukod sa pagganap sa kanyang role, nahirapan din si Max na mawalay sa kanyang anak na si Skye Anakin sa tuwing papasok sa lock-in taping para sa serye.

"Challenging sa taping naman was leaving my baby Skye. Mahirap talaga kasi kapag iniisip ko, naiiyak ako. But then, iniisip ko palagi the thing I want to do for myself which is work. So pinanindigan ko naman natapos ko 'yung show," sabi ni Max.

Makakasama rin ni Max sa To Have And To Hold sina Carla Abellana, Rocco Nacino, Luis Hontiveros, Athena Madrid, JC Tan, Roi Vinzon, at Valeen Montenegro.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng To Have and To Hold: