TV

Karakter ni Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart,' mas makikilala na

By EJ Chua

Ngayong Huwebes, June 1, mas makikilala na ng mga manonood ang karakter ni Gabbi Garcia sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.

Napapanood sa serye si Gabbi bilang si Alex, isang dalaga na naghahanap ng tunay na taong magmamahal sa kanya.

Sa episode na mapapanood mamayang gabi, kaabang-abang ang mga eksena ni Alex habang kasama ang kanyang boyfriend na si Franco, ang karakter ni Jeremiah Lisbo sa drama series.

Para kay Alex, perfect couple sila ni Franco kaya naman ang huli na ang tinitingnan niyang makakasama niya sa buhay.

Matutunghayan din ang ilang eksena ni Renz (Joshua Garcia) habang nagtatrabaho siya sa isang restaurant kung saan makikita niya si Alex at ang nobyo ng dalaga.

Matatandaang kasabay ng pag-trending ng pilot episode ng serye ay ang pag-trending din ng karakter ni Gabbi bilang si Alex.

Sa naging exclusive interview ng GMANetwork.com kay Gabbi, inilarawan ng aktres na very mature ang kanyang role sa Unbreak My Heart.

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:

Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA KATATAPOS LANG NA UNBREAK MY HEART MEDIA DAY SA GALLERY SA IBABA: