TV

EXCLUSIVE: Alden Richards, goal na maging 'lean and strong' para sa 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz

Tuloy-tuloy lang ang physical preparations ni Kapuso actor Alden Richards para sa pagganap niya bilang superhero sa upcoming GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.

"Kailangan talaga fit kasi hindi madali 'yung fight scenes. Hindi siya 'yung basic at simple lang na nakikita natin sa TV na parang suntok dito, iwas dito. We're trying to level up as much as we can dito sa Victor Magtanggol," pahayag ni Alden sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

READ: Alden Richards, bibida sa telefantasya sa pagbabalik niya sa primetime

Bukod sa pag-iingat sa kanyang mga kinakain, nagte-training din siya ng iba't ibang combat sports. 

"Working out, parkour, Muay Thai 'pag may time, mixed martial arts. Ganyan [ang ginagawa ko] just to refresh 'yung mga natutunan ko sa mga trainings ko before. Tapos siyempre with 'yung combat [sports] and 'yung parkour, these things are new to me. Maraming adjustments," kuwento ng aktor.

Paglilinaw naman niya, hindi pagpapalaki ng katawan ang kanyang goal.

"Hindi naman doon 'yung path ko sa body building. [Gusto kong maging] lean and strong," paliwanag ni Alden. 

"Lean, para good enough for television purposes. Physically fit, kasi I see to it that I do most of the stunts. I'm not really relying too much on doubles para mas feel ko 'yung pagiging Victor Magtanggol," dagdag pa niya. 

WATCH: Buwis buhay stunts sa 'Victor Magtanggol,' si Alden Richards mismo ang gagawa

Abangan si Alden sa upcoming superhero telefantasya na Victor Magtanggol, malapit na sa GMA Telebabad!