Video Inside Page
Videos
Aired (April 18, 2026): #ReportersNotebook: “Lupang 'Di Matanaw”
Sa Macabebe, Pampanga, ilang dekada nang problema ang matinding pagbaha na patuloy na umaapekto sa mga residente. Sa isang paaralan, matagal nang lubog sa tubig ang mga classroom. Samantala, isang flood control project na nagkakahalaga ng mahigit ₱354 milyon ang hindi matagpuan sa itinurong lokasyon.
Sa Hagonoy, Bulacan naman, bilyong piso ang inilaan sa flood control projects, pero may mga natukoy na iregularidad, kabilang ang umano'y ghost projects.
Sa gitna ng bilyong pisong pondo, nasaan ang mga proyektong inaasahang magliligtas sa mga komunidad mula sa baha? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook