'May patutunayan tayo' – Direk Jose Javier Reyes on 'My Bebe Love' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa dinaos na premiere night ng 'My Bebe Love' kagabi (December 21) ay nagbitaw ng mabigat na pahayag ang direktor na si Direk Jose Javier Reyes.

"May patutunayan tayo" – Direk Jose Javier Reyes on 'My Bebe Love'

By CHERRY SUN

Sa dinaos na premiere night ng 'My Bebe Love' kagabi (December 21) ay nagbitaw ng mabigat na pahayag ang direktor na si Direk Jose Javier Reyes.


Panimula niya, “Maraming, maraming, maraming salamat at you found the time para puntahan kami sa gabing ito at panoorin for the very first time ang screening ng My Bebe Love #KiligPaMore. Maraming salamat po.”

Dagdag din ni Direk Joey, mahalaga ang naging papel ng AlDub Nation sa pagkapanalo ng ngayo’y Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Aniya, “Itong araw na ito ay napakasaya. Nitong umagang ito, nanalo si Pia Wurtzbach na Miss Universe at suportado ng AlDub Nation. Thank you very much AlDub Nation!”

LOOK: Pia Wurtzbach is crowned Miss Universe 2015

Dahil na rin sa pananalig niya sa lakas at suportang nagmumula sa fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, pahiwatig ni direk, “Ngayong Pasko, may patutunayan tayo.”

Maugong ang usapang mangunguna ngayon sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang 'My Bebe Love' na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Aiai Delas Alas