Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Anumang panahon, handang mag-serbisyo ang magigiting nating sundalo. At hindi lang 'yan sa pagtatanggol sa bansa kundi sa pagmamalasakit sa kapwa. Tulad ng ilang nagdo-donate ng dugo sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Sabay sa nauubos niyang buhok ang pagkalagas na rin ng kumpiyansa ng isang ina mula Caloocan. Maaga mang sinubok ng problema,tuloy pa rin siyang humaharap sa hamon ng buhay para sa pamilya. Tunghayan po ninyo ang kuwento ni Sarah. Read more

Ang kalbaryo ng isang anak, doble pasakit para sa mga magulang. Ganyan ang pasanin ng isang ina mula sa Tayabas City, Quezon na nababahala sa makakating nunal ng anak. Meron din itong itim sa balat na tila shorts na sa laki. Read more

Dahil walang tulay, buwis-buhay ang pagtawid ng ilang taga-Bulalacao at Mansalay, Oriental Mindoro para makapunta sa sentro ng kanilang mga bayan. Read more

Hunyo noong 2023 nang ilapit sa atin ang magkapatid sa Tarlac na buto't balat na dahil sa malnutrisyon. Matapos ang halos isang taon, kumustahin natin ang resulta ng gamutan na naging posible dahil Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF) joined forces with the Department of Interior and Local Government (DILG) to hasten the implementation of relief operations in disaster-stricken areas. Read more

Ngayong tumitindi ang epekto ng nagbabagong klima, mahalagang itanim sa isipan ng mga kabataan ang pangangalaga sa ating kalikasan. Ito ang layunin ng Kapuso ng Kalikasan Project ng GMA Kapuso Foundation sa Mankayan, Benguet kung saan nagtanim ng pine trees ang ilang mag-aaral. Read more

Gaya ng tibay ng abaca, matatag ang isang pamilya dahil sa hindi mapapantayang pagmamahal at sakripisyo ng haligi ng tahanan. Ngayong Hunyo na Prostate Cancer Awareness Month at bilang tulong sa abaca farmers sa araw ng mga tatay, handog sa kanila ng GMA Kapuso Foundation ang libreng serbisyong medikal at iba pang regalo. Read more

Sandalan ng pamilya ang haligi ng tahanan kaya hindi matatawaran ang sipag at sakripisyo ng mga amang nagtataguyod ng pamilya. Kaya bago pa ang araw ng mga ama sa Linggo, may maagang handog ang GMA Kapuso Foundation. Read more

Sa bawat tanim ng mga magsasaka sa Mankayan, Benguet hangad nila ay masaganang ani para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya sa ilalim ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation nagpatayo tayo ng 3 bago at matitibay na silid-aralan! Read more

Nito lamang Miyerkules, naantig tayo sa kuwento ng grade 6 student mula Quezon na hinagupit ng bagyong Aghon at nawalan ng unipormeng isusuot sana niya sa kanyang graduation. Read more

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Aghon sa probinsya ng Quezon, isa sa matinding napuruhan ay ang Brgy. Cotta sa Lucena City. Marami sa gamit ng mga residente ang inanod ng baha at nabalot sa putik. Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan, agad na nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa lugar upang maghatid ng tulong. Read more

Nakababahala ang dami ng mga Pilipinong nagkaka-alta presyon na umabot pa nga sa 37% ng populasyon noong 2021, ayon sa Philippine Heart Association. Kaya ngayong hypertension awareness month, may libreng serbisyong medikal ang GMA Kapuso Foundation tulad sa San Enrique, Negros Occidental. Read more

Tila nanlabo ang mundo ng isang ina matapos iwan ng kaniyang pamilya. Pero bukod sa pangungulila, halos wala na rin siyang makita dahil sa kundisyon sa kaniyang mata. Dahil sa tulong ninyo, naipasuri siya ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Silent killer kung tawagin ang hypertension. Kaya paalala ng health department, ugaliing i-monitor ang inyong blood pressure. At bilang pakiki-isa ng GMA Kapuso Foundation ngayong Hypertension Awareness Month, libreng serbisyong medikal ang handog natin sa mga taga-La Union. Read more
advertisement

Lubhang apektado ng el niño ang isang tribo sa Maguindanao del Sur na umaasa sa mais bilang pagkain at kabuhayan. Kaya sila naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng operation bayanihan. Read more

Ngayong World Neurofibromatosis Awareness Day, tampok natin ang kuwento ng batang nakikipaglaban sa sakit na nagsimula lang bilang maliit na bukol sa mata. Read more

Kung kailan pa naman Farmer's and Fishermen's Month, saka pa raw hirap at hindi makapagtanim ang mga magsasaka dahil sa matinding init. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, ilang magsasaka sa Samar naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Kasunod ng Mother's Day kahapon, Pahiyas naman ang sunod na gugunitain sa Lucban, Quezon. Ang mga nanay roon na gumagawa ng mga pandekorasyon sa pista para may dagdag panggastos ang pamilya, hinandugan ng regalo ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Nakilala namin sa City of Gentle People o bayan ng Dumaguete, ang 2 nanay na nagsusumikap para maitaguyod ang kanilang mga anak. Saludo po ang GMA Kapuso Foundation sa mga ilaw ng tahanan gaya ninyo para sa inyong hindi matatawarang pagmamahal at suporta. Heto ang munti naming handog bilang pagpapasalamat advanced Happy Mother’s Day po! Read more