Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Sa kabila ng bukol sa batok, nananaig pa rin ang determinasyon at pagsisikap ng dalagang aming nakilala sa Ballesteros, Cagayan. Hangad daw kasi niya na masuklian ang sakripisyong ginagawa ng mga magulang para siya ay maipagamot. Ngunit habang tumatagal ay mas pinapahirapan na siya ng kondisyon kaya inilapit na ito sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Namigay ang GMA Kapuso Foundation ng plant seedlings at nagturo ng wasting pagtatanim sa Quezon. Read more

Isa sa bawat lima mag-aaral sa Pilipinas, edad 5 hanggang 10 ang underweight o kulang sa timbang, batay sa 2021 Expanded National Nutrition Survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology. Isa yan sa mga rason ng pagsasagawa natin ng "Give a Gift Feed a Child Project" sa mga eskwelahan. Hangad ng GMA Kapuso Foundation na magkaroon ng malusog at masiglang pangangatawan ang bawat batang Pilipino. Read more

Nagtayo ng vegetable garden ang GMA Kapuso Foundation para sa isang paaralang kasama sa feeding project nito sa Quezon. Read more

Bukod sa pagpapakain at matulungang mapataas ang timbang ng ilang mga bata sa General Nakar, Quezon, layunin din ng GMA Kapuso Foundation na maturuan ang mga bata na kumain ng gulay. Kaya naman gumawa rin tayo ng "Gulayan sa Paaralan Project" kung saan ang mga maaaning gulay ang siyang iluluto para sa ating feeding program. Read more

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang lolo at kanyang apo na parehong may problema sa kalusugan. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pap smear at breast exam para sa 200 kababaihan sa Laguna at Nueva Ecija. Read more

Humihingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng mula sa Ilocos na may cleft lip at cleft palate. Read more

Tila napagkaitan ng kabataan ang isang babaeng nakilala namin sa Ilocos Sur. Imbes kasi nag-aaral at nakikihalubilo sa kanyang mga ka-edad, sa pagbabanat ng buto niya ginugugol ang oras... para makatulong sa pamilya at maka-iwas sa panunukso dulot ng kanyang kondisyon. 'Yan ang idinulog sa atin sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Nito lamang Miyerkules, nasaksihan natin ang kwento ng pamilya ni Princess mula Cabanatuan, Nueva Ecija. Kahit pa may iniindang sakit ang kanyang ama at anak, tumutulong pa rin sila sa kanyang pagha-hanapbuhay. Kaya bilang tulong, ipinasuri sila ng GMA Kapuso Foundation at hinandugan na rin ng mga regalo. Read more

Nagsisilbing lakas at sandigan ng isang ginang mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang ama at anak na kaagapay sa buhay, may iniindang sakit. Kaya naman sumulat siya sa GMA Kapuso Foundation upang humingi ng tulong. Read more

Masipag at mapagmahal. Ilan lang 'yan sa mga katangian ng dalawang babaeng aming nakilala sa Laguna at Nueva Ecija na walang inuurungan maitaguyod lang ang kani-kanilang pamilya. Kaya bilang bahagi ng National Women's Month, sinuklian ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang dedikasyon at pagsisikap. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pap smear at breast exam para sa 100 kababaihan sa La Union. Read more

Ngayong National Women's month, kuwento ng inspirasyon ang hatid namin sa inyo mula sa madidiskarte at masisipag na mga kababaihan sa Sto. Tomas, La Union na pagdadaing ng isda ang pangunahing ikinabubuhay. Kabilang sila sa hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng mga regalo. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bansud, Oriental Mindoro. Read more
advertisement

Ngayong International Women's Day, tampok natin ang isang babaeng mangingisda na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Handa raw niyan gawin ang anumang trabaho kahit yung inaakala ng marami na panlalaki lang maitaguyod lang ang pamilya. Kabilang siya sa hinatiran natin ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong para sa mangingisdang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Read more

Dahil sa oil spill na idinulot ng lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro, maraming mangingisda at fish vendor ang ilang araw nang hindi makapag-hanapbuhay sa bayan ng Pinamalayan. Para maibsan ang kanilang problema, hinatiran sila ng GMA Kapuso Foundation ng tulong sa ilalim ng "Operation Bayanihan." Read more

Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang isang dalagang nanawagan ng tulong dahil sa problema niya sa paningin. Read more

Nakilala natin ang tatlong magkapatid sa Caramoan, Camarines Sur na pare-parehong may kondisyon sa mata. Ang dalawa sa kanila, nauna nang natulungan ng GMA Kapuso Foundation. At ngayon, napaoperahan na rin natin ang isa pa nilang kapatid. Read more