Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Muling nanagawan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng may bukol noon sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more

Noong nakaraang taon, itinampok natin ang kuwento ng dalagang si Marina, hindi niya tunay na pangalan. Ikinubli natin ang ang kanyang pagkakakilanlan dahil sa tumubong bukol sa maselang bahagi ng katawan na tiniis niya ng tatlong taon. Naoperahan na siya noong nakaraang taon pero may hinaharap pa ring hamon at kailangan pa ang ating tulong. Read more

Kinumusta ng GMA Kapuso Foundation ang ilang batang natulungan nito sa kanilang kakaibang medical conditions. Read more

Layon ng GMA Kapuso Foundation ang makatulong sa mga batang may karamdaman upang sila'y mamuhay nang normal at maabot nila ang kanilang mga pangarap. Hindi po tayo tumitigil sa pagtupad ng layunin na ito. Ngayong bagong taon, muli nating binisita ang ilan sa mga batang ating natulungan. Kumusta na kaya sila ngayon? Read more

Kinumusta ng GMA Kapuso Foundation ang ilang letter senders na natulungan nito noong 2022. Read more

Maraming naabot na mga indibidwal at lugar ang GMA Kapuso Foundation noong 2022 at ipinapangako nito na ipagpapatuloy ang serbisyong ito ngayong 2023. Read more

Mga Kapuso, dahil sa inyong nag-uumapaw na suporta noong nakaraang taon maraming napasaya at nabigyan ng bagong pag-asa ang GMA Kapuso Foundation. Ilan sa mga natulungan, ang hinandugan din ng mga gamit na makatutulong sa kanilang hanapbuhay. At ngayong 2023, hiling ng GMA Kapuso Foundation na yumabong pa ang inyong kabuhayan at magkaroon ang lahat ng masaganang bagong taon. Read more

Sa gitna ng mga pagsubok noong 2022, nanaig pa rin ang katatagan at diwa ng bayanihan ng mga Pilipino. Nasaksihan 'yan mismo ng GMA Kapuso Foundation na naging kaagapay ni'yo rin sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayang higit na nangangailangan. At taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga naging partners, sponsors, donors at volunteers sa inyong walang-sawang suporta. Read more

Hindi tulad ng marami, sa mga evacuation center sasalubungin ng ilang binaha sa Misamis Occidental ang 2023. Sa ilalim ng operation bayanihan, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga apektadong residente sa mga bayan ng Clarin at Oroquieta. Read more

Tuloy ang pagsisikap ng ilang taga-Oroquieta, Misamis Occidental para makabangon sa pinsala ng matinding pagbaha na nakaapekto rin sa kanilang kabuhayan. Kaya sila naman ang hinatiran ng tulong sa operation bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Naghatid ng food packs ang GMA Kapuso Foundation para sa evacuees sa Clarin, Misamis Occidental. Read more

Dahil maraming nasiraan ng tahanan at may mga nawalan pa ng mahal sa buhay kasunod ng masamang panahon, magbabagong-taong puno ng pangamba ang maraming taga-Clarin, Misamis Occidental. Para ibsan kahit papaano ang kanilang kalbaryo, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation. Read more

Ito rin ang ika-pitong "Kapuso Tulay" ng GMA Kapuso Foundation sa Pilipinas. Read more

Nagbigay ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa mahigit 1,300 mag-aaral sa Siruma, Camarines Sur. Read more

Sa murang edad, dumaan na sa mga pagsubok ang isang mag-aaral sa Siruma, Camarines Sur na nakilala ng GMA Kapuso Foundation. Pero hindi ito naging balakid sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, mas naging determinado pa siyang matuto. Kaya ngayong panahon ng kapaskuhan, kabilang siya sa mga nahandugan ng Kapuso Foundation ng regalo. Read more
advertisement

Maagang pamasko ang handog ng GMA Kapuso Foundation para sa isang barangay sa Sogod, Southern Leyte! 'Yan ang matibay na kongkretong tulay na magagamit ng mga residente sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Ito ang unang 'Kapuso Tulay' na ating naipatayo sa Visayas at ika-7 naman sa buong bansa. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng hearing aid, bagong telebisyon at marami pang ibang regalo sa isang letter sender mula sa Cavite. Read more

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng regalo para sa 2,400 mag-aaral sa Sogod, Southern Leyte. Read more

Bagong gamit at damit 'pag kapaskuhan! Hindi lahat kayang bumili ng mga 'yan tulad ng isang bata sa Sogod, Southern Leyte na gumagamit ng pinaglumaan ng iba. Kaya sa pagpapatuloy ng "Give-a-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project" ng GMA Kapuso Foundation, kabilang siya sa ating hinatiran ng regalo. Read more

Sabi nga ng ilan, minsan kung sino pang salat, sila pa ang mapagbigay. Ganyan ang kahanga-hangang ginang na nakilala namin mula Ternate, Cavite na tumutulong sa iba kahit mayroon ding sariling pangangailangan. Kaya ngayong panahon ng pagbibigayan, siya naman ang ating bibigyang-pugay. Read more