Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Maagang pamasko ang handog ng GMA Kapuso Foundation para sa isang barangay sa Sogod, Southern Leyte! 'Yan ang matibay na kongkretong tulay na magagamit ng mga residente sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Ito ang unang 'Kapuso Tulay' na ating naipatayo sa Visayas at ika-7 naman sa buong bansa. Read more

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng hearing aid, bagong telebisyon at marami pang ibang regalo sa isang letter sender mula sa Cavite. Read more

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng regalo para sa 2,400 mag-aaral sa Sogod, Southern Leyte. Read more

Bagong gamit at damit 'pag kapaskuhan! Hindi lahat kayang bumili ng mga 'yan tulad ng isang bata sa Sogod, Southern Leyte na gumagamit ng pinaglumaan ng iba. Kaya sa pagpapatuloy ng "Give-a-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project" ng GMA Kapuso Foundation, kabilang siya sa ating hinatiran ng regalo. Read more

Sabi nga ng ilan, minsan kung sino pang salat, sila pa ang mapagbigay. Ganyan ang kahanga-hangang ginang na nakilala namin mula Ternate, Cavite na tumutulong sa iba kahit mayroon ding sariling pangangailangan. Kaya ngayong panahon ng pagbibigayan, siya naman ang ating bibigyang-pugay. Read more

Maagang dumating ang Kapaskuhan sa mga pamilya sa General Nakar, Quezon na naapektuhan ng Bagyong Karding dahil nag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation ng ilang construction materials. Read more

Magpapasko na pero marami pa ring taga-General Nakar, Quezon ang walang maayos na masilungan halos 3 buwan na mula nang manalasa roon ang Bagyong Karding. Bilang tulong at maagang pamasko, namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng construction materials para sa bubong ng kanilang mga bagong tirahan. Read more

Namahagi ng yero, kahoy at rubber mats ang GMA Kapuso Foundation sa General Nakar, Quezon. Read more

Namigay ng strollers at pediatric wheelchairs ang GMA Kapuso Foundation sa mga batang may special needs sa Juban, Sorsogon. Read more

Tuwing Nobyembre, ipinagdiriwang ang National Children's Month kung kelan tinututukan ang kalusugan ng mga bata. At dahil layon ng GMA Kapuso Foundation na tulungan ang mga batang may karamdaman at espesyal na pangangailangan may mga hinandugan tayo ng strollers at pediatric wheelchair sa Juban sa Sorsogon. Read more

Mag-iisang taon na mula nang sirain ng Bagyong Odette ang mala-paraisong ganda ng Siargao island. Ngayon, masaya kaming ibalita na unti-unti nang nakakabangon ang mga residente ng isla. At bilang tulong, bukod sa ating handog na eskwelahan, nag-tree planting din tayo sa ilalim ng Kapuso ng Kalikasan Project. Read more

Matapos patumbahin ng Bagyong Odette ang ilang silid-aralan sa Siargao island, walang maayos na magamit ang mga estudyanteng tuloy sa pag-abot ng kanilang pangarap. Ang kalbaryong ito, tinuldukan ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng ating partners, donors, sponsors at volunteers. Dahil naipatayo na natin ang 4 na matitibay na Kapuso classrooms sa Baybay Elementary School sa Siargao sa ilalim ng "Kapuso School Development Project." Read more

Ilang linggo na lang, pasko na! Kaya naman simula na ang pamimigay ng GMA Kapuso Foundation ng maagang aguinaldo para sa mga bata, bilang bahagi ng ating taunang "Give a Gift: Alay sa batang Pinoy Christmas project." Samahan niyo po kaming iparamdam ang diwa ng pasko sa mga kapuso natin sa Quezon at Nueva Ecija. Read more

Extended ang “Kapuso Celebrity Ukay-Ukay” ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022. Read more

Mga Kapuso, lalo pang dumarami ang mga natutulungan natin sa malalayong lugar dahil sa pagtangkilik niyo sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar. Lahat po kasi ng aming malilikom na halaga, mapupunta sa educational at disaster relief project ng GMA Kapuso Foundation. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Read more
advertisement

Kung naghahanap ng pangregalo o 'di kaya'y pang-outfit of the day o OOTD, puwede pa kayong humabol sa "GMA Celebrity Ukay-Ukay" sa Noel Bazaar sa World Trade Center, Pasay -- hanggang bukas! Doon, maaaring mapasainyo ang ilang exclusive items ng inyong hinahangaang Kapuso star sa pamamagitan ng "Celebrity Auction." Read more

Sa pagpapatuloy ng "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar sa World Trade Center... mas nagniningning ang pagiging mapagbigay at mapagmahal ng ating mga Kapuso ngayong palapit ang kapaskuhan. Marami kasi sa kanilang nabiling gamit ay panregalo o ibabahagi sa mga nanga-ngailangan. Read more

Kahanga-hanga sa aktingan, pero lalo na raw sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya talaga namang idol si Carla Abellana na isa sa mga Kapuso stars nagbahagi ng kanilang pre-loved items sa GMA "Celebrity Ukay-Ukay". Sana'y patuloy po ang inyong suporta sa muling pagbubukas ng "Celebrity Ukay-Ukay" sa Noel Bazaar sa World Trade Center sa Pasay simula bukas hanggang November 30. Nakapag-shopping ka na, nakatulong ka pa! Read more

Ang mga katagang -- "walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang" 24 oras na naming panata rito sa GMA Integrated News. Bukod sa paghahatid ng impormasyon, hangad din naming makatulong sa kapwa. Kaya buong puso kaming nag-donate ng aming personal items na pwede ninyong mabili sa "Celebrity Ukay-Ukay" booth ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar. Read more

Mabibili ang pre-loved clothes ng ilang GMA News personalities sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022 sa Pasay simula November 25 hanggang November 30. Read more