Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Ikinagulat ng mga taga-barangay Mandile sa San Miguel, Bulacan ang mabilis na pagtaas ng baha noong humagupit ang Bagyong Karding. Ngayon, pilit na bumabangon ang mga residente kahit na may ilang bahay na lubog pa rin sa tubig. Kaya naman nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation upang maghatid ng tulong. Read more

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong para sa 4,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Karding sa Quezon. Read more

Nagdulot ng takot sa mga taga-barangay Umiray sa General Nakar sa probinsya ng Quezon ang malakas na hanging dulot ng Bagyong Karding. Para magbigay ng pag-asa sa mga hinagupit ng bagyo,mabilis na umaksyon ang GMA Kapuso Foundation. Handog natin ang food packs sa apat na libong residente roon. Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 1,000 pamilyang apektado ng super typhoon Karding sa Dingalan, Aurora. Read more

Hindi pa man tuluyang nakakabangon mula sa hagupit ng Bagyong Ulysses noong 2020 ang mga taga-Dingalan sa Aurora, heto't isang pagsubok na naman ang kanilang kinakaharap matapos manalasa ang Super Typhoon Karding nitong linggo. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation, agad nagsagawa ng 'Operation Bayanihan' para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo sa Aurora. Read more

Matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan kagabi na dulot ng bagyong Karding, agad pong namahagi ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. Samantala, ang ilang team naman ng GMA Kapuso Foundation ay nakatakda pong magtungo sa mga lugar na sinalanta pa rin ng bagyo. Read more

Isang araw matapos ang bagyo, agad namahagi ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa iba't ibang lugar sa Pilipinas na tinamaan ng bagyong Karding. Read more

Namamahagi na ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng bagyong Karding sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Read more

Taong 2019, nakilala ng GMA Kapuso Foundation ang noo'y 4 taong gulang na si Jacob, ang batang pinahirapan ng malaking bukol sa kanyang leeg. Pero ang dating mabigat na dinadala, ngayo'y napalitan na ng bagong pag-asa. Muli natin siyang kinumusta at binisita sa kanilang tirahan sa Meycauayan, Bulacan. Read more

Maraming nawalan ng hanapbuhay matapos manalasa ng bagyong Odette sa bansa. Kaya't kahit na peligroso, ang amang nakilala namin sa San Ricardo sa Southern Leyte, handang sisirin ang ilalim ng dagat, makakuha lang ng konting ginto. Hindi naanod ang pangarap niya para sa pamilya, dahil para sa kanya higit pa sa ginto ang makitang makapagtapos ang kanyang mga anak. Read more
Kabilang sa mga nahandugan ng GMA Kapuso Foundation ng kumpletong school supplies ang mga anak ng magsasaka, mangingisda at kababaihang gumawa ng kakanin. Read more

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang mga mata ng isang pedicab driver na may problema sa kanyang paningin. Read more

Sa edad na 59, Patuloy na kumakayod ang isang ama na aming nakilala kahit pa may iniindang problema sa paningin para lang may maibigay sa pamilya. Ang sakit niyang 'ptyregium,' kung hindi magagamot maaaring magdulot ng peligro sa kaniyang paghahanapbuhay sa kalsada. Sabi pa ng kanyang doktor, wala rin daw katotohanan na nakukuha ito sa pagsi-swimming lalo kung madumi ang tubig. Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, naipasuri natin sya sa unang pagkakataon. Read more

Malapit na ring magamit ng mga residente ang tulay na ipinagawa ng GMA Kapuso Foundation sa Sogod, Southern Leyte. Read more

Ilang buwan na lang ay magagamit na ng mga taga-Sogod, Southern Leyte, ang ipinapatayong 'Kapuso Tulay para sa Kaunlaran' na inumpisahan nito lang Agosto. Katuwang ang ating volunteers, sinimulan na ang paggawa ng pundasyon nito. Read more
advertisement

Namigay ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa 2,400 mag-aaral sa Siargao. Read more

Matapos padapain ng pandemya at kalamidad unti-unti nang nanunumbalik ang sigla ng turismo sa mala-paraisong isla ng Siargao. Balik-eskuwela na rin ang ilang kabataan na tuluy-tuloy ang pag-abot sa kanilang mga pangarap. Bilang tulong at suporta, hatid ng GMA Kapuso Foundation ang kumpletong school supplies sa mahigit 2,000 mag-aaral. Read more

Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang babaeng tinubuan ng bukol sa kanyang anit. Matapos nito, nangangailangan pa rin siya ng karagdagang tulong. Read more

Nitong Lunes, natunghayan natin ang kuwento ni Shane, ang dalagang iniinda ang lumalaking bukol sa kanyang anit. Agad namang tumugon ang GMA Kapuso Foundation sa hiling ng kanyang kapatid na maipatingin siya sa doktor. Matagumpay nating naipasuri at naipatanggal ang bukol. Read more

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang 19-year-old na babae na tinubuan ng malaking bukol sa anit. Read more