Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Nagsagawa ng vitreo-retina screening sa Cabanatuan ang GMA Kapuso Foundation at partners nito bilang pakikiisa sa Sight Saving Month. Read more

Naghatid ng relief goods at mga gamot ang GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng bagyong Florita sa Cagayan. Read more

Ang sakit na diabetes, posibleng magdulot ng ilang komplikasyon gaya ng panlalabo ng mga mata na kung hindi maagapan ay maaaring mauwi sa pagkabulag. 'Yan ang isa sa mga gusto nating maagapan at bigyang-pansin ngayong 'Sight Saving Month.' Kaya sa tulong ng ating partners, handog ng GMA Kapuso Foundation ang libreng screening sa mga taga-Cabanatuan City, para masigurong ligtas ang kondisyon ng kanilang mga mata. Read more

Malaking dagok para sa maraming taga-Cagayan ang pinsalang iniwan ng Bagyong Florita. Ang mga taniman ng mais at palay kasi na isa sa mga pangunahin nilang pinagkukunan ng kabuhayan, pinadapa ng bagyo at ngayo'y hindi na mapakinabangan. Kaya sa pagpapatuloy ng ating operation bayanihan, libu-libo ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Batid ng GMA Kapuso Foundation na tuwing may dumaraan na bagyo o anumang kalamidad sa ating bansa, pagkain ang pangunahing kailangan ng ating mga kababayan. Gaya na lamang sa Maconacon, Isabela, kung saan unang nag-landfall ang Bagyong Florita. Kaya naman, kahit pa kasagsagan ng pag-ulan agad po tayong nagtungo doon para maghatid ng relief goods sa higit 1,000 residenteng naapektuhan. Read more

Magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng bagong classrooms para sa Baybay Elementary School sa Burgos, Surigao del Norte. Read more

Isa sa mga nasira nang humagupit ang Bagyong Odette noong nakaraang taon ay mga eskwelahan sa Surigao del Norte. At hanggang ngayon na nagsimula na ang klase, wala pa ring maayos na silid-aralan ang mga batang Siargaonon. Pero dahil po sa tulong ng ating mga donors at sponsors, ang GMA Kapuso Foundation ay magtatayo ng mga matitibay na silid-aralan doon. Read more

Mahigit 1,000 mag-aaral sa kinder at grade 1 ang nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation sa Kolambogan, Lanao del Norte. Read more

Sa pagpapatuloy ng unang hakbang sa kinabukasan project, isa sa pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ang Lanao del Norte. Kung saan higit isang libong mag-aaral sa kinder at grade one ang nahandugan ng kumpletong gamit pang eskwela. At kahit nagsimula na po ang face-to-face classes, hindi po tumitigil ang GMA Kapuso Foudation sa pag-iikot mula Luzon, Visayas at Mindanao para magbigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral na nangangailangan. Read more

Mga Kapuso, naaalala niyo pa ba si Kim Mhira ang tinawag na miracle baby ng Tarlac? Ang sanggol na ipinanganak na premature na inilapit sa GMA Kapuso Foundation noong 2017 na atin ding tinulungan at sinubaybayan hanggang siya ay maging malakas. Ngayong limang taong gulang na siya, muli natin siyang binalikan at kinamusta. Read more

Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking tinubuan ng malaking bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more

Ngayong Sight Saving Month, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation at binigyan pa ng bagong salamin ang isang tricycle driver at ang kanyang misis. Read more

Magpapatayo ng bagong tulay ang GMA Kapuso Foundation sa Sogod, Southern Leyte. Ito ang ika-pitong tulay sa ilalim ng Kapuso Tulay sa Kaunlaran project. Read more

Isang binatilyo ang tinubuan ng mga kulugo at ang maselang bahagi ng kaniyang katawan tinubuan naman ng malaking bukol. At ayon sa isang espesyalista positibo siya sa HIV, at mayroon din siyang human papillomavirus o HPV infection. Dahil po sa kaniyang maselang kondisyon, minabuti naming itago ang kanyang pagkakakilanlan. Read more

Ngayong Sight Saving Month, nakikiisa po kami sa layuning mabigyang-linaw ang halaga ng "eye care" at maagapan ang anumang problema sa ating mga mata. Gaya ng panlalabo ng paningin, na nagpapahirap ngayon sa isang haligi ng tahanan na 15 taon nang binubuhay ang pamilya sa pamamasada. 'Yan ang idinulog ng kanyang anak sa GMA Kapuso Foundation na agad namang tumugon at binigyang-katuparan ang simpleng hiling para sa kanyang ama. Read more
advertisement

Ang proyektong ito bahagi ng pagdiriwang ng Sight Saving Month at pati na rin ang kaarawan ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco. Read more

Katuwang ang LN-4 Foundation at Naked Wolves Philippines, nakapagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng prosthetic hand sa ilang sundalo at sibilyan. Read more

Naghatid ng school supplies para sa 2,400 mag-aaral sa Bukidnon ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project. Read more

Kung agrikultura lang ang pag-uusapan, tiyak hindi magpapahuli ang lalawigan ng Bukidnon! Pero hindi raw maikukubli niyan ang hirap na dinaranas ng ilang magsasaka roon para matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. At dahil ilang linggo na lang pasukan na, sinadya sila ng GMA Kapuso Foundation para handugan ng tulong. Read more

Naputulan man ng isang kamay, at nawalan ng trabaho dahil sa sakit na diabetes, hindi nagpadaig sa hamon ng buhay ang kusinerong aming nakilala. Kabilang siya sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng 'Kapuso, Kalusugan, Konsulta Project. Read more