Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Ang mga kalamidad gaya ng lindol at bagyo, kabilang sa mga target nating mapaghandaan sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga paaralan sa iba't-ibang panig ng bansa. Gaya ng mga silid-aralang ipinapatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Liloan, Southern Leyte, na mas pinatibay para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at guro. Read more

Marami nang pangarap ang nabigyang-katuparan ng paaralang ipinatayo natin sa bayan ng Liloan sa Southern Leyte. 'Yan ang hanggang ngayo'y pinagkukunan natin ng inspirasyon para maipagpatuloy ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, gaya ng ating 'Kapuso School Development Project.' At kahit ilang bagyo o kalamidad ang nanalasa sa mga ipinatayo nating eskuwelahan, patuloy natin itong binabantayan at hindi pinababayaan. Read more

Naghatid ng kumpletong school supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa 2,400 estudyante sa Leyte. Read more

Para sa pangarap na magandang kinabukasan, pilit itinataguyod ng isang ama sa Leyte ang pag-aaral ng kanyang anak. Lahat naman daw ng pagod at pagtitiyaga, sinusuklian ng sipag ng kanyang anak na kahit kinder pa lang ay humahakot na ng mga parangal! Sa pagpapatuloy ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project, kabilang siya sa mahigit 2,000 estudyanteng nabiyayaan ninyo ng kumpletong school supplies sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Naghatid ng wheelchairs, strollers at iba pang mga regalo ang GMA Kapuso Foundation sa ilang batang may kapansanan sa Leyte. Read more

Pitong taong gulang pa lang nang padapain ng kanyang karamdaman ang isang batang nakilala namin sa Leyte. Pero hindi 'yan naging hadlang para magpursigi siya sa buhay lalo na sa kanyang pag-aaral. Ngayong National Disability Prevention and Rehabilitation Week, kabilang siya sa mga hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bagong wheelchair. Read more

Naghatid ng graocery packs, gamot, first aid kits, at iba pang ayuda ang GMA Kapuso Foundation para sa mga apektado ng flash floods sa Banaue, Ifugao. Read more

Noong nakaraang linggo nagtungo po ang GMA Kapuso Foun dation sa Banaue, Ifugao para maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng flash flood. Ngunit hanggang ngayon, maya't maya pa rin silang nakakaranas ng pag-uulan doon. gayunpaman pinuntahan pa rin natin ang ilang barangay na higit na nangangailangan ng ating tulong. Tuloy-tuloy rin ang mga sundalo sa pagsasagawa ng clearing operations sa lugar. Read more

Matinding pagsubok para sa mga residente ng Banaue sa Ifugao ang iniwang pinsala ng flash flood na nanalasa noong nakaraang linggo. Kaya naman agad nagsagawa ng Operation Bayanihan ang GMA Kapuso Foundation para sa mga apektadong residente. Kahit bakas pa ang mga pagbaha at may biglaang pagguho pang naranasan sa pagbisita roon ng aming team, hindi nito napigil ang ating misyong makatulong. Read more

Muling nag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa isang batang hindi makalakad. Bukod dito, hinandugan pa siya ng ilang sorpresa para sa kanyang kaarawan. Read more

Nasubaybayan ng GMA Kapuso Foundation ang paglaki ng batang si Qwinzy, na ilang taong pinahirapan ng bukol sa kanyang puwetan. Sa pagdaan ng mga taon, tinulungan at sinamahan natin siya mula sa pagpapatingin sa doktor hanggang sa matagumpay niyang operasyon. Ngayong 9 taong gulang na si Qwinzy, handog natin ang mga surpresa sa kanya mismong kaarawan. Read more

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng school supplies para sa 800 mag-aaral ng kinder at grade 1 sa Baybay, Leyte. Read more

Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, sumailalim na sa pangalawang operasyon ang babaeng may bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more

Matinding takot man ang iniwan ng landslide sa mga residente ng Baybay City sa Leyte noong Abril, nangibabaw pa rin ang kagustuhan ng kabataan doon na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang unti-unti nilang pagsisimulang-muli sa pag-abot ng kanilang matatayog na pangarap, suportado ng GMA Kapuso Foundation. Kaya naman handog natin ang libreng school supplies at iba pang mga gamit sa mga estudyante, sa ilalim ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project. Read more

Sa loob ng 3 taon, tiniis ng nakilala naming dalaga ang hirap na dala ng malaking bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Kagabi, natunghayan natin ang agarang aksyon ng GMA Kapuso Foundation at sumailalim na siya sa unang operasyon. Sa tulong ng ating donors at ng mga doktor, matagumpay na ring naisagawa ang ikalawa niyang operasyon at tuluy-tuloy na nagpapagaling. Read more
advertisement

Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, sumailalim na sa unang operasyon ang babaeng may bukol sa maselang bahagi ng katawan. Read more

Mayo ngayong taon nang itampok namin ang kuwento ng dalagang tinubuan ng bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Dahil sa lumalalang kondisyon, nagpadala siya ng mensahe sa Facebook page ng GMA Kapuso Foundation para humingi ng tulong. Agad naman tayong tumugon para masimulan na ang kanyang gamutan at operasyon. Read more

Nagbigay ng school supplies para sa 360 estudaynte sa Limasawa ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project. Read more

Hinagupit man ng bagyong Odette ang kanilang bahay at mga gamit pang-eskuwela, nanatiling matatag ang determinasyon ng mga mag-aaral sa Limasawa Island. Kaya naman sa pamamagitan ng "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project" ng GMA Kapuso Foundation, daan-daang estudyante roon ang hinandugan natin ng libre at bagong school supplies. Read more

Para sa mga taga-leyte, mahirap at tila matatagalan pa bago mabura ang mapait na alaalang iniwan ng bagyong Agaton. Lalo na sa isang residenteng nawalan na nga ng bahay at hanapbuhay, kinailangan pang ma-operahan matapos mabalian ng isang binti sa kasagsagan ng baha. Upang mapagaan ang kanyang kalagayan,isa siya sa mga nakatanggap ng libreng wheelchair handog ng GMA Kapuso Foundation Read more