Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Handog ng GMA Kapuso Foundation ang pustiso, makeover, at marami pang ibang regalo sa isang nanay sa Antipolo, Rizal. Read more

Ang ating mga ngipin, mahalaga at malaki ang nagagawa sa personalidad natin. Kaya ang isang ginang mula Antipolo, nawalan na raw ng kumpiyansa sa sarili at madalas umiiwas tuwing haharap sa ibang tao. Pero dahil sa pagtutulungan ng GMA Kapuso Foundation at ating partner, muling naibalik ang kanyang matamis na ngiti! Read more

Sumulat ang isang 70-taong gulang na nanay sa GMA Kapuso Foundation para manawagan ng refrigerator na magagamit niya sa kanyang paghahanapbuhay. Read more

Kanya-kanyang diskarte muna ang marami sa atin para may mapagkakitaan habang nasa gitna pa rin ng pandemya. Gaya ng isang ina na sa kabila ng edad, taglay pa rin ang husay at hilig sa pagluluto, na naging tulay niya para makapag-hanapbuhay! 'Yun nga lang, pahirapan ang maayos na pag-iimbak ng mga lutong pagkain kaya mayroon siyang isang simpleng hiling. Read more

Nakalikom ng 216 blood bags ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Sagip Dugtong Buhay bloodletting project. Read more

Nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang pamilyang na-disgrasya dahil sa tumagas ng tangke ng LPG. Read more

Ang bilang ng mga nangangailangan ng dugo ay hindi bumababa. Sa pagsapit ng holy week, pahirapan na naman ang blood donations lalo na't ang ating mga kababayan ay uuwi sa kanilang probinsya. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng blood letting projects sa mga komunidad at mga opisina na may open air spaces. Nito lang ay nakalikom po tayo ng 216 blood bags. Read more

Nananawagan ng tulong ang isang pamilyang naaksidente at nagtamo ng malubhang pinsala dahil sa tumagas na tangke ng LPG. Sa tulong ng Bureau of Fire Protection o BFP, inalam natin ang mga dapat gawin kapag may ganitong sakuna. Ngayong 'Fire Prevention Month,' ibayong pag-iingat po ang aming paalala sa inyong lahat. Read more

Naghandog ng prosthetic hand ang GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation sa isang 20-anyos na lalaki na mula sa Cavite. Read more

------------ Read more

Nananawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na halos sinlaki na ng mukha ang dila dahil sa pamamaga. Read more

Sa murang edad, isang mabigat na pasanin na ang dinadala ng isang batang lalaki na aming nakilala mula sa Mandaluyong. Imbes na makihalubilo sa mga kapwa bata, nagmumukmok nalang siya sa kanilang bahay. Minsa'y napapatanong na lang ito sa kaniyang ama kung ano na kayang itsura sa labas. Ang kaniyang dila kasi halos sinlaki ng kaniyang mukha. Kaya naman umaapela sila ng tulong sa GMA Kapuso Foundation para sa kaniyang pagpapagamot. Read more

Binigyan ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists ng libreng dental service ang mag-inang napabayaan ang kanilang oral health dahil sa pandemya. Read more

Sa dami ng pinapasang problema, lalo na ngayong pandemya, hindi na raw naasikaso ng isang ginang sa Antipolo ang kanyang mga ngipin. Ang resulta, nalagas ang mga ngipin niya at nanganganib pang magaya sa kanya ang kanyang anak. Sila ang tinutulungan nating makangiti muli nang buong kumpiyansa sa tulong ng Philippine Association of Private School Dentists. Read more

Hindi nagpatinag sa hamon ng buhay ang isang padre de pamilya mula Valenzuela nang magkahiwa-hiwalay ang mga daliri matapos masabugan ng paputok ang kaniyang kamay. Imbes na magpadala sa pangungutya ng iba, nagpursige siya at namuhay nang parang walang kapansanan. Siya naman ngayon ang hinandugan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more
advertisement

Ipapaayos ng GMA Kapuso Foundation ang mga paaralang nasira ng bagyong Odette sa Limasawa Island. Read more

Bukod sa mga bahay, napuruhan din ng Bagyong Odette ang mga paaralan sa Limasawa Island. Pero ang pag-asa at pagpupursige ng mga guro at estudyante roon, nanatiling buhay at hindi natinag ng kalamidad. 'Yan ang inspirasyon ng GMA Kapuso Foundation sa hangarin nating maipaayos at muling maibangon ang mga eskuwelahan ng 1,480 na mga estudyante sa kanilang lugar. Read more

Magbibigay ng materyales pambubong ang GMA Kapuso Foundation sa dalawang barangay sa Limasawa Island sa ilalim ng Silong Kapuso project. Read more

Masakit para sa isang padre de pamilya na mawalan ng trabaho pero mas masakit na makitang walang maayos na masisilungan ang mga anak matapos masira ang bahay dahil sa Bagyong Odette. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation hindi bumibitaw sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Muli nating binalikan ang Limasawa Island para muling mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos at matibay na pabubong. Read more

Maghahatid ang GMA Kapuso Foundation ng bagong bubong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa ilalim ng Silong Kapuso project. Read more