Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Nananawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na halos sinlaki na ng mukha ang dila dahil sa pamamaga. Read more

Sa murang edad, isang mabigat na pasanin na ang dinadala ng isang batang lalaki na aming nakilala mula sa Mandaluyong. Imbes na makihalubilo sa mga kapwa bata, nagmumukmok nalang siya sa kanilang bahay. Minsa'y napapatanong na lang ito sa kaniyang ama kung ano na kayang itsura sa labas. Ang kaniyang dila kasi halos sinlaki ng kaniyang mukha. Kaya naman umaapela sila ng tulong sa GMA Kapuso Foundation para sa kaniyang pagpapagamot. Read more

Binigyan ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists ng libreng dental service ang mag-inang napabayaan ang kanilang oral health dahil sa pandemya. Read more

Sa dami ng pinapasang problema, lalo na ngayong pandemya, hindi na raw naasikaso ng isang ginang sa Antipolo ang kanyang mga ngipin. Ang resulta, nalagas ang mga ngipin niya at nanganganib pang magaya sa kanya ang kanyang anak. Sila ang tinutulungan nating makangiti muli nang buong kumpiyansa sa tulong ng Philippine Association of Private School Dentists. Read more

Hindi nagpatinag sa hamon ng buhay ang isang padre de pamilya mula Valenzuela nang magkahiwa-hiwalay ang mga daliri matapos masabugan ng paputok ang kaniyang kamay. Imbes na magpadala sa pangungutya ng iba, nagpursige siya at namuhay nang parang walang kapansanan. Siya naman ngayon ang hinandugan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Ipapaayos ng GMA Kapuso Foundation ang mga paaralang nasira ng bagyong Odette sa Limasawa Island. Read more

Bukod sa mga bahay, napuruhan din ng Bagyong Odette ang mga paaralan sa Limasawa Island. Pero ang pag-asa at pagpupursige ng mga guro at estudyante roon, nanatiling buhay at hindi natinag ng kalamidad. 'Yan ang inspirasyon ng GMA Kapuso Foundation sa hangarin nating maipaayos at muling maibangon ang mga eskuwelahan ng 1,480 na mga estudyante sa kanilang lugar. Read more

Magbibigay ng materyales pambubong ang GMA Kapuso Foundation sa dalawang barangay sa Limasawa Island sa ilalim ng Silong Kapuso project. Read more

Masakit para sa isang padre de pamilya na mawalan ng trabaho pero mas masakit na makitang walang maayos na masisilungan ang mga anak matapos masira ang bahay dahil sa Bagyong Odette. Kaya naman ang GMA Kapuso Foundation hindi bumibitaw sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Muli nating binalikan ang Limasawa Island para muling mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos at matibay na pabubong. Read more

Maghahatid ang GMA Kapuso Foundation ng bagong bubong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa ilalim ng Silong Kapuso project. Read more

Marami sa mga nasiraan o nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Odette ang dumidiskarte muna para kahit paano'y may masilungan. Dalawang buwan matapos humagupit ang bagyo, ang GMA Kapuso Foundation ay wala pa ring patid sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta. Read more

Matapos maipatanggal ng GMA Kapuso Foundation ang bukol niya sa puwetan, kailangan naman niya ng therapy para makalakad dahil sa kanyang clubfoot. Read more

Kagabi, muli nating natunghayan ang kuwento ni Qwinzy, na ating napa-operahan at naipatanggal ang malaking bukol na matagal niyang pinasan. Pero bukod dito, may iba pa tayong handog para sa tuluyang pagbuti ng kanyang kalagayan. Mga Kapuso, patuloy po nating suportahan ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation para marami pang batang mapasaya at matulungan. Read more

Binisita ng GMA Kapuso Foundation ang isang batang ipinaopera dahil sa malaking bukol sa katawan para kumustahin at hatiran ng mga regalo. Read more

Mga Kapuso, natatandaan n'yo pa ba si Qwinzy? Siya po ang batang 7 taong pinahirapan at tila naging kasabay na sa paglaki ang bukol sa kanyang katawan. Kahit nasa gitna ng pandemya, matagumpay natin siyang napa-operahan noong nakaraang taon. Pero hindi po doon natapos ang ating pagtulong kay Qwinzy, dahil kailangan pa rin niya ng ating tulong para sa tuluy-tuloy niyang paggaling. Read more
advertisement

Sumulat sa GMA Kapuso Foundation ang isang solo parent na PWD para humiling ng laptop para sa kanyang anak. Read more

Ang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang anak ay walang katumbas. Lahat gagawin niya anuman ang kaniyang kondisyon. Gaya ng isang ina sa Leyte na kahit may kapansanan pilit na tinataguyod ang kinabukasan ng kanyang anak. May isa ring hiling ang ina para sa anak. Read more

Sinorpresa ng GMA Kapuso Foundation ng romantic date at iba pang regalo ang mag-asawang centenarian at COVID-19 survivors. Read more

Ngayong araw ng mga puso,kikilalanin natin ang mag-asawang sina Tatay Juan at Nanay Francisca. Magkahawak kamay nilang hinarap ang sari-saring pagsubok mula World War 3, colon cancer,hanggang sa COVID-19! Lahat 'yan ay magkasama nilang napagtagumpayan. Tunghayan po natin ang kwento ng kanilang pag-iibigan at alamin kung ano nga ba ang sikreto sa panghabang-buhay na pagmamahalan. Happy Valentine's Day mga Kapuso! Read more

Namigay ang GMA Kapuso Foundation ng bagong bubong para sa mga residente ng Luna, La Union na naapektuhan ng bagyong Maring. Read more