Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Sa pagpapatuloy ng ating “Give-A-Gift” Alay sa Batang Pinoy Christmas Project, mga kabataan naman Zamboanga Del Sur ang ating dinayo. Nakakataba ng puso ang makita ang mga batang walang mapagsidlan ng saya dahil sa mga regalo naming dala. Read more

Ang magandang kinabukasan ng anak. ‘Yan na marahil ang pinaka-inaasam ng mga magulang. Gaya ng isang inang nakilala namin sa Zamboanga Del Sur na gagawin ang lahat para sa mga anak, makatapos lang sila ng pag-aaral. Kabilang sila sa mga binigyan natin ng maagang pamasko, na bahagi pa rin ng ating "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas project". Read more

Ika nga nila, ang dugo ay buhay. Patunay diyan ang isang magkapatid mula Nueva Vizcaya. Buwanan kung sila'y nasa ospital para salinan ng dugo, kaya ito na ang nagsisilbi nilang playground. Bilang tugon sa pangangailan nila ng dugo, nagsagawa tayo ng sagip dugtong buhay bloodletting project sa tulong ng ating mga kasundaluhan. Read more

Ang pagkakataong makapaglaro, makalakad at makapagsalita, tila ipinagkait sa batang pinahihirapan ng sakit na cerebral palsy. Kaya naman doble ang aruga at pagmamahal na ibinibigay ng kanyang mga magulang na sumulat at nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation. Ang hiling nilang binigyan natin ng katuparan, tunghayan po ninyo. Read more

Nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng 60,060 school bags na may kumpletong school supplies, hygiene kit at face mask para sa mga mag-aaral sa 27 probinsiya sa Pilipinas. Read more

Gaano man katayog ang pangarap, kayang abutin kung magsisikap! 'Yan ang kahanga-hangang ipinapakita at isinasabuhay ng mga kabataang gagawin ang lahat makatapos lang ng pag-aaral. Ang mga kagaya po nila ang hangad nating matulungan kaya't maraming salamat po sa lahat ng ating partners at donors na katuwang natin para ito'y maisakatuparan. Read more

Naghatid ng mga regalo ang GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aarl ng Bato Elementary School sa North Cotabato. Read more

Pinatumba man ng lindol pero walang pangarap na gumuho. Dahil para sa mga batang nagpu-pursigeng mag-aral, walang anumang pagsubok ang kailanman magiging hadlang. Gaya ng mga mag-aaral sa Makilala sa Cotabato na hinandugan din natin ng maagang pamasko. Read more

Bukod sa pagpapaayos ng anim na classrooms sa Villa Aurora Elementary School, naghatid din ng maagang pamasko ang GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aaral nito. Read more

Nagbunga na ang mga silid-aralang ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa lalawigan ng Aurora. Ang ilan sa mga estudyanteng paslit noon, ganap nang umusbong at mga propesyonal na ngayon. At sa aming pagbabalik, handog namin ang maagang pamasko at mas pinatibay pang mga classroom. Read more

Binalikan ng GMA Kapuso Foundation ang Villa Aurora Elementary School para ipaayos matapos itong mapinsala ng bagyong Ulysses. Read more

Naghatid ng gift bags ang GMA Kapuso Foundation para sa mag-aaral ng isang barangay sa Lanao del Norte na mapapasok lamang gamit ang motorsiklo at kabayo. Read more

Naghatid ng kumpletong school supplies ang GMA Kapuso Foundation para sa 1,242 mag-aaral sa Bangar, La Union na naapektuhan ng bagyong Maring. Read more

16 taon na ang nakakalipas nang magpatayo tayo ng mga eskuwelahan sa Maria Aurora sa Aurora province. Noong nakaraang taon, muling sinubok ng malakas na bagyo ang mga silid-aralan, pero hindi basta-bastang matitinag ng anumang bagyo ang GMA Kapuso Foundation. Muli tayong bumalik para bigyan ulit ng bagong bihis at anyo ang kanilang mga silid-aralan. Read more

Nagtungo kamakailan ang GMA Kapuso Foundation sa Barangay Carcum sa Nunungan, Lanao del Norte. Hindi biro ang paglalakbay papunta sa lugar kung saan hirap din sa sitwasyon ang ilang residente. Kaya sa pagpapatuloy ng "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy Christmas Project" naghandog tayo ng mga gift bag na may lamang pagkain at mga laruan. Read more
advertisement

Nakatanggap ang Babalaya Elementary School ng school supplies at mga regalo mula sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Ika nga nila, ibang klase magmahal ang mga lolo at lola! Patunay riyan ang isang lolo sa Bangar, La Union na walang-humpay pa ring nagsisikap para maalagaan at mapag-aral ang kanyang mga apo. Bilang tulong at suporta, kasama ang kanyang mga apo sa mahigit 1,000 mag-aaral na binigyan natin ng kumpletong gamit pang-eskuwela. Read more

Magkakahalong emosyon ang naramdaman ng mga estudyante sa muling pag-uumpisa ng face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa. Gaya ng isang batang lalaki na nakilala namin sa Lanao del Norte, na kahit naninibago pa ay masaya at determinado raw mag-aral para maabot ang kanyang pangarap. Kabilang siya sa mga binigyan natin ng bago at kumpletong gamit pang-eskuwela at Noche Buena package. Read more

Naghatid ng kumpletong school supplies at maagang pamasko ang GMA Kapuso Foundation para sa mga mag-aaral sa Linamon, Lanao del Norte. Read more

Ngayong araw, nanumbalik ang saya sa mga silid-aralan sa muling pagbubukas ng ilang eskuwelahan matapos ang halos dalawang taong modular at online learning. Ang GMA Kapuso Foundation, agad pinuntahan ang isa sa mga eskuwelahan sa Lanao del Norte na kabilang sa pilot run ng limited face-to-face classes. Hinatiran natin sila ng mga kumpletong gamit pang-eskuwela at maagang pamasko! Read more