Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Kasabay ng unti-unting pagbuhay ng ekonomiya ng bansa, unti-unti rin umuusbong ang pag-asa ng ilan nating kababayan para bumangon mula sa pandemya. Pero ang ilan nating kababayan sa San Fabian, Pangasinan, nahihirapan makabawi lalo't kabilang sila sa nasalanta ng Bagyong Maring nitong Oktubre. Sila ang tinungo ng GMA Kapuso Foundation para hatiran ng tulong. Read more

May kabuuan na 2,375 mag-aaral sa Palawan ang hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Layunin ng GMA Kapuso Foundation na mapuntahan ang mga malalayong lugar para makapag-abot ng tulong sa ating mga kababayan. Bagama't ibang-iba ang sitwasyon ngayong may pandemya, hindi ito naging hadlang para makapaghatid tayo ng kumpletong gamit pang-eskuwela sa Palawan, na isa sa may mataas na kaso ng COVID-19 noong Hunyo. Ilan sa ating mga nahatiran ang mga katutubong Tagbanua. Read more

Ang Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora ang unang pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ngayong taon para sa Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy. Read more

Ngayong palalapit na ang Pasko, simula na rin ang pamimigay natin ng maagang aguinaldo lalo na sa mga bata. Bahagi 'yan ng taunang "Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy" Christmas project ng GMA Kapuso Foundation. Sa inyong tulong at suporta, sama-sama nating iparamdam sa bawat isa ang diwa ng pasko... kahit sa gitna ng pandemya. Read more

Ang 70-meter steel and concrete hanging bridge ay bahagi ng Kapuso Tulay Para sa Kaunlaran project ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Sa ilang beses nating pagpunta sa Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora, nasaksihan natin ang hirap at sakripisyo ng mga residente tuwing tatawid sa ilog makapunta lang sa trabaho o eskuwela. Read more

Hangad ng GMA Kapuso Foundation na masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan at makatulong para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Kamakailan, matagumpay nating naipatayo at pormal nang binuksan sa Dingalan, Aurora ang ika-anim na "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project" sa bansa. Ang bago at matibay na tulay na 'yan, hatid ang bagong simula at pag-asa sa mahigit 4,000 residente. Read more

May halong kaba at takot ang mga residente ng Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora tuwing tatawid daw sila sa hanging bridge ng kanilang barangay. Gawa kasi ito sa kahoy at hindi na matibay. Doble pangamba pa tuwing umuulan o may bagyo. Kaya minsan lakas-loob nalang nilang tinatawid and ilog. Pero ang pangambang iyan, mapapalitan na ng bagong pag-asa. Read more

Nagpagawa ang GMA Kapuso Foundation ng water pump system at handwashing stations sa Palta at Mabini Elementary School sa Catanduanes. Read more

Mga Kapuso, hindi po natatapos sa pagpapa-ayos at pagpapatayo ng mga eskwelahan sa proyekto ng GMA Kapuso Foundation na "Kapuso School Development." Adhikain din natin na masigurong malinis at ligtas ang mga paaralan, lalo na ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Kaya muli tayong bumalik sa ating Kapuso Schools sa Catanduanes para maglagay ng mga water system at handwashing station. Read more

May 803 na mag-aaaral sa Dinapugue, Isabela ang hinatiran ng school supplies, hygiene kits, at cloth face masks ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Mahigit isang taon na tayong nasa online at modular learning, pero may ilang lugar pa rin sa bansa na hirap sa internet signal, gaya ng Dinapigue sa Isabela. Pero imbes na maging hadlang sa pagtuturo ng mga guro, umisip sila ng solusyon para makasabay at hindi mapag-iwanan ang mga estudyante. At para lalong ganahan ang mga bata sa pag-aaral, handog ng GMA Kapuso Foundation ang school supplies na bahagi ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project". Read more

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 3,100 taong naapektuhan ng bagyong Maring sa Benguet. Read more

Muli tayong namahagi ng relief goods at iba pang tulong sa libo-libong naapektuhan ng bagyo sa Benguet, bilang bahagi pa rin ng ating Operation Bayanihan sa Northern Luzon. Para po sa Benguet LGU, natanggap po namin ang inyong pagkilala at pasasalamat sa GMA Kapuso Foundation. Pero ang lahat ng ito'y hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa tulong at suporta ng ating partners, donors at sponsors. Read more
advertisement

Muling naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga vegetable farmers na nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet. Read more

Mga Kapuso, tuluy-tuloy ang pamamahagi natin ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Maring sa Northern Luzon, lalo na sa bahagi ng Benguet. Kabilang diyan ang isang ilaw ng tahanan, na mag-isa nang kumakayod para sa pamilya. Pero ang mismong pinagkukunan niya ng kabuhayan, pinadapa at hindi pinalagpas ng masamang panahon. Read more

Nananawagan ang GMA Kapuso Foudnation ng tulong para sa 23-year-old na may Hirschsprung Disease o abnormal na bituka. Read more

Tila tumigil ang mundo ng isang dalaga sa laguna nang tamaan siya ng tinatawag na "Hirschsprung Disease." Dahil sa kanyang sakit, kinailangan niyang bitawan pati ang mga bagay na kanyang nakahiligan at nakasanayan. Hinatiran natin siya ng tulong pero mga Kapuso, kailangan pa po niya ng ating suporta para sa tuluy-tuloy na paggaling. Read more

Mahigit 1,000 mag-aaral sa Motiong, Samar ang hinatiran ng kumpletong school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more