Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

Kabi-kabilang baha at landslide ang naminsala sa Zamboanga City -- kung saan may 4 pang nasawi. Kahit hindi naging madali ang biyahe dahil sa mga nasirang daan doon, sinuong pa rin ito ng GMA Kapuso Foundation para makapaghatid ng tulong. Read more

Mga Kapuso, sa pagpapatuloy po ng "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project" ng GMA Kapuso Foundation... sa Borongan City naman tayo nagtungo para magbigay ng kumpletong gamit pang-eskwela na kanilang magagamit ngayong darating sa pasukan. Read more

Marami sa ating mga Kapuso ang hindi napagtutunan ng pansin ang nanlalabong paningin dahil sa kahirapan. Sagot na 'yan ng Kapuso 20/20 Eye Project ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Lumang wheelchair na may foam na binalot sa sako at goma ng gulong ang nagsisilbing paa ng isang lalaking nakilala namin sa Eastern Samar pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Read more

Bawat umaga ay pagkakataon para sa mga kabataan na pagyamanin ang kanilang kakayahan para sa kanilang pangarap. Pero kailangan nila ang alalay. Kaya may mga estudyante tayong inabutan ng school supplies sa CARAGA sa pagpapatuloy ng Unang Hakbang sa Kinabukasan Project ng GMA Kapuso Foundation sa Davao Oriental. Read more

Kulang tatlong linggo na lang bago magbukas ang panibagong school year kaya ang GMA Kapuso Foundation, nagsimula na ring suyurin ang iba't ibang probinsya para sa Unang Hakbang sa Kinabukasan Project. Isa sa unang nahandugan ng school supplies -- mga bata mula sa Davao Oriental. Read more

Hindi man marinig ang kanyang tinig, naghuhumiyaw naman sa tatag at pagmamahal ang isang amang may kapansanan mula Tayabas, Quezon. Kaya sa papalapit na National Disability Prevention and Rehabilitation Week sinuklian ng GMA Kapuso Foundation ang kanyang kasipagan para maitaguyod ang pamilya. Read more

Taon-taong naglilibot ang GMA Kapuso Foundation sa mga liblib na lugar para mamahagi ng school supplies sa mga nangangailangan na mag-aaral. Ngayong papalapit na ang pasukan, uumpisahan na natin ang Unang Hakbang sa Kinabukasan Project. Read more

Tuluyang nabago ang buhay ng isang padre de pamilya sa Antipolo matapos maputol ang kamay dahil sa pagtatanggol sa kapitbahay na sinasaktan ng asawa. May pag-asang dala ang GMA Kapuso Foundation sa kanya at iba pang tulad niya. Read more

Anumang panahon, handang mag-serbisyo ang magigiting nating sundalo. At hindi lang 'yan sa pagtatanggol sa bansa kundi sa pagmamalasakit sa kapwa. Tulad ng ilang nagdo-donate ng dugo sa GMA Kapuso Foundation. Read more

Sabay sa nauubos niyang buhok ang pagkalagas na rin ng kumpiyansa ng isang ina mula Caloocan. Maaga mang sinubok ng problema,tuloy pa rin siyang humaharap sa hamon ng buhay para sa pamilya. Tunghayan po ninyo ang kuwento ni Sarah. Read more

Ang kalbaryo ng isang anak, doble pasakit para sa mga magulang. Ganyan ang pasanin ng isang ina mula sa Tayabas City, Quezon na nababahala sa makakating nunal ng anak. Meron din itong itim sa balat na tila shorts na sa laki. Read more

Dahil walang tulay, buwis-buhay ang pagtawid ng ilang taga-Bulalacao at Mansalay, Oriental Mindoro para makapunta sa sentro ng kanilang mga bayan. Read more

Hunyo noong 2023 nang ilapit sa atin ang magkapatid sa Tarlac na buto't balat na dahil sa malnutrisyon. Matapos ang halos isang taon, kumustahin natin ang resulta ng gamutan na naging posible dahil Read more

GMA Kapuso Foundation (GMAKF) joined forces with the Department of Interior and Local Government (DILG) to hasten the implementation of relief operations in disaster-stricken areas. Read more
advertisement

Ngayong tumitindi ang epekto ng nagbabagong klima, mahalagang itanim sa isipan ng mga kabataan ang pangangalaga sa ating kalikasan. Ito ang layunin ng Kapuso ng Kalikasan Project ng GMA Kapuso Foundation sa Mankayan, Benguet kung saan nagtanim ng pine trees ang ilang mag-aaral. Read more

Gaya ng tibay ng abaca, matatag ang isang pamilya dahil sa hindi mapapantayang pagmamahal at sakripisyo ng haligi ng tahanan. Ngayong Hunyo na Prostate Cancer Awareness Month at bilang tulong sa abaca farmers sa araw ng mga tatay, handog sa kanila ng GMA Kapuso Foundation ang libreng serbisyong medikal at iba pang regalo. Read more

Sandalan ng pamilya ang haligi ng tahanan kaya hindi matatawaran ang sipag at sakripisyo ng mga amang nagtataguyod ng pamilya. Kaya bago pa ang araw ng mga ama sa Linggo, may maagang handog ang GMA Kapuso Foundation. Read more

Sa bawat tanim ng mga magsasaka sa Mankayan, Benguet hangad nila ay masaganang ani para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya sa ilalim ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation nagpatayo tayo ng 3 bago at matitibay na silid-aralan! Read more

Nito lamang Miyerkules, naantig tayo sa kuwento ng grade 6 student mula Quezon na hinagupit ng bagyong Aghon at nawalan ng unipormeng isusuot sana niya sa kanyang graduation. Read more