GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Babaeng may problema sa paningin, pinaoperahan ng GMA Kapuso Foundation

Aug 26, 2024
GMA Kapuso Foundation

Noong Mayo, itinampok ng GMA Kapuso Foundation ang kuwento ng isang ina na pinalala ng nanlalabong paningin ang pangungulila sa kaniyang pamilya. Ngayong "Sight Saving Month", nabigyang linaw ang kanyang nanlalabong mundo dahil sa tulong ng ating mga partner at donor.   Read more


Mga batang may cancer at dengue, kabilang sa mga matutulungan ng "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project"

Aug 23, 2024
GMA Kapuso Foundation

Malaking tulong lalo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion gaya ng dengue at cancer ang "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project" ng inyong GMA Kapuso Foundation. Kaya taos puso kaming nagpapasalamat sa mga bayaning kapuso na walang sawang nag-aalay ng kanilang dugo!   Read more


Armed Forces of the Philippines, nag-donate ng P4M sa GMAKF

Aug 21, 2024
GMA Kapuso Foundation

Mula sa transportasyon, manpower, at seguridad palaging nandiyan ang Armed Forces of the Philippines para makatulong sa paglilingkod ng GMA Kapuso Foundation. Dahil sa matagal nang samahan ng AFP at Kapuso Foundation, sa atin nila ipinagkatiwala ang malaking halaga ng donasyon para makatulong pa sa ating mga kababayan. Read more


GMAKF at PRC, nakakolekta ng mahigit 1,000 na blood bag sa isinagawang bloodletting project sa Ever Commonwealth

Aug 19, 2024
GMA Kapuso Foundation

Sa loob ng 28 taon, kaagapay na tayo ng mga Kapusong nangangailangan ng dugo. Ramdam namin ang inyong suporta, lalo't halos 2,000 blood bags ang ating nalikom sa "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project" ng GMA Kapuso Foundation nitong Sabado. Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa -- kabilang ang aming partners, sponsors at volunteers. Kayo po ay tunay na mga bayaning Kapuso! Read more


Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project, isasagawa sa August 17, 2024 sa Ever Commonwealth, QC

Aug 16, 2024
GMA Kapuso Foundation

Maraming may sakit ang nangangailangan ng dugo dito sa bansa, ayon sa Philippine Red Cross. Kaya layon ng GMA Kapuso Foundation at Red Cross na matugunan ito sa pamamagitan ng ating Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project. Read more


GMA Kapuso Foundation: A Lifeline for Filipinos in Times of Need

Aug 15, 2024
GMA Kapuso Foundation

GMAKF has remained steadfast in its core mission through its flagship project, Operation Bayanihan. Read more


8,000 residenteng apektado ng oil spill Bataan at Cavite, nakatanggap ng food packs mula sa GMAKF

Aug 14, 2024
GMA Kapuso Foundation

Ilang linggo pa lang ang nakararaan matapos manalasa ang Bagyong Carina at Habagat pero umaaray pa rin hanggang ngayon ang mga taga-Bataan at Cavite, partikular na ang mangingisda na naapektuhan din ng oil spill. Hinatiran sila ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan.   Read more


Libu-libong Kapuso, naabot at natulungan ng iba't ibang programa ng GMAKF

Aug 12, 2024
GMA Kapuso Foundation

Sunod-sunod na pagsubok man ang kinaharap ng ating mga Kapuso, palaging maaasahan at nakaagapay ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Bigyang sulyap muli ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation sa loob ng mahigit isang taon. Read more


Libreng serbisyong medikal, hatid ng GMAKF sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon noong Hunyo

Aug 9, 2024
GMA Kapuso Foundation

Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang aking kaarawan. At tradisyon ko nang maghandog ng regalo para sa mga kapuso nating nangangailangan. Kaya naman hatid ng GMA Kapuso Foundation, ang iba’t ibang serbisyong medikal sa mahigit isang libong residente na nasalanta ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.   Read more


Kalusugan Karavan, ikakasa ng GMAKF para sa mga apektado ng Bulkang Kanlaon sa La Castellana

Aug 7, 2024
GMA Kapuso Foundation

Iniinda pa rin ng ilang taga-Negros Occidental ang epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon noong Hunyo. Hindi lang 'yan sa kabuhayan, kundi pati kalusugan. Kaya sumaklolo na po ang Kalusugan Karavan ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Libreng eye check-up at salamin, handog ng GMAKF ngayong Sight Saving Month

Aug 5, 2024
GMA Kapuso Foundation

Isa sa pinakaabala at pinakakomplikadong bahagi ng ating katawan ang ating mga mata. Kaya payo ng mga eksperto, dapat agad na magpatingin kung nakakaranas ng problema sa paningin. ‘Yan ang binigyang-kasagutan ng Kapuso 20/20 Eye Project ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Libreng laundry service kabilang sa tulong ng GMAKF sa mga nasalanta ng bagyo at Habagat sa Marikina

Jul 31, 2024
GMA Kapuso Foundation

Hanggang sa kanilang pagbangon, nakaalalay ang GMA Kapuso Foundation sa mga sinalanta ng bagyo at Habagat. Sa Marikina, may libre tayong palaba o laundry service lalo't problema ang putik doon. Read more


Kapuso stars, nakipag-bayanihan sa GMAKF para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo't habagat

Jul 29, 2024
GMA Kapuso Foundation

Tuloy-tuloy ang bayanihan ng GMA Kapuso Foundation at ilang Kapuso stars para tulungan ang mga binaha ng Bagyong Carina at Habagat. Kabilang sa naabutan ang libu-libong residente mula Malabon, Navotas, at Cainta sa Rizal. Read more


Mahigit 23,000 katao na nasalanta ng Super Typhoon Carina at habagat, nabigyan ng tulong ng GMAKF

Jul 26, 2024
GMA Kapuso Foundation

Dama namin ang mga pinagdadaanang hirap ng ating mga kababayan pagkatapos manalasa ng Super Typhoon Carina at habagat. Para sa kanila ang tuloy na bayanihan ng inyong GMA Kapuso Foundation, katuwang ang sponsors, donors, partners, volunteers at celebrities. Read more


Mga walang matuluyan kundi kalsada dahil sa baha, tinulungan ng GMAKF

Jul 24, 2024
GMA Kapuso Foundation

Naghatid din ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Maguindanao del Sur, kung saan ilang residente ang wala nang matuluyan kundi kalsada dahil sa pagbaha.   Read more

advertisement


Relief operations at feeding program, ikinasa ng GMA Kapuso Foundation

Jul 24, 2024
GMA Kapuso Foundation

Mabilis pong kumilos ang ating GMA Kapuso Foundation para mag hatid ng tulong sa mga kababayan po nating nasalanta ng mga malawakang pagbaha.   Read more


Nasa 1,000 pamilyang binaha sa Brgy. Pamucutan at Ayala, Zamboanga City, tinulungan ng GMK

Jul 23, 2024
GMA Kapuso Foundation

Kabi-kabilang baha at landslide ang naminsala sa Zamboanga City -- kung saan may 4 pang nasawi. Kahit hindi naging madali ang biyahe dahil sa mga nasirang daan doon, sinuong pa rin ito ng GMA Kapuso Foundation para makapaghatid ng tulong. Read more


School supplies handog ng GMAKF sa mahigit 2,000 mag-aaral sa Borongan City, Eastern Samar

Jul 19, 2024
GMA Kapuso Foundation

Mga Kapuso, sa pagpapatuloy po ng "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project" ng GMA Kapuso Foundation... sa Borongan City naman tayo nagtungo para magbigay ng kumpletong gamit pang-eskwela na kanilang magagamit ngayong darating sa pasukan.   Read more


Libreng eye check-up at salamin, handog ng GMAKF sa ilang nangangailangan

Jul 17, 2024
GMA Kapuso Foundation

Marami sa ating mga Kapuso ang hindi napagtutunan ng pansin ang nanlalabong paningin dahil sa kahirapan. Sagot na 'yan ng Kapuso 20/20 Eye Project ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Wheelchairs, ipinamahagi ng GMAKF sa 12 na bayan sa Eastern Samar

Jul 15, 2024
GMA Kapuso Foundation

Lumang wheelchair na may foam na binalot sa sako at goma ng gulong ang nagsisilbing paa ng isang lalaking nakilala namin sa Eastern Samar pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Read more