GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mag-amang may bukol sa leeg, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 27, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong Head and Neck Consciousness Week, nakilala namin ang isang ama sa Sariaya, Quezon na nangangambang mawala ang kanyang boses. May iniinda kasi siyang kondisyon na tila nakuha rin ng isa sa kaniyang anak. Ipinasuri sila ng GMA Kapuso Foundation. Read more


4,000 residente, nakatanggap ng food packs at hygiene kit mula sa GMAKF | 24 Oras

Apr 25, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa matinding init, bumababa na rin ang produksyon ng walis tambo sa Mansalay, Oriental Mindoro na kabuhayan ng ilang residente roon. Sila naman ang nakatanggap ng tulong sa "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga apektado ng el niño sa Bulalacao, Or. Mindoro, hinatiran ng foodpacks at hygiene kit ng GMAKF | 24 Oras

Apr 23, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa mga nasirang pananim dulot ng tagtuyot, problema ngayon ng mga katutubong Hanunuo Mangyan sa Bulalacao, Oriental Mindoro ang pagkukunan ng pang laman-tiyan. Read more


Batang may malaking bukol sa pisngi, kailangan ng tulong sa gamutan | 24 Oras

Apr 20, 2024
Kapusong Totoo

Sa murang edad, mabigat na pasanin na ang dala-dala ng isang batang aming nakilala mula Cagayan. May lumalaking bukol kasi sa kanyang pisngi, kaya idinulog ng ina sa GMA Kapuso Foundation. Read more


Serbisyong medikal sa Sta. Marcela, Apayao, hatid ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 18, 2024
Kapusong Totoo

Masaya po naming ibinabalita na muli po tayong nakapagsagawa ng medical mission sa Santa Marcela, Apayao. Kabilang sa natulungan ng Kalusugan Karavan, ang isang amang kahit naapektuhan ng polio pero tumutulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit. Read more


Libreng medical at dental mission, hatid ng GMA Kapuso Foundation sa Sta. Marcela, Apayao | 24 Oras

Apr 16, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa kakulangan ng kita, hindi pa rin napagtutuunan ng pansin ng marami ang kanilang kalusugan. Kaya naman merong Kalusugan Karavan ang GMA Kapuso Foundation sa malalayong lugar tulad sa Santa Marcela sa Apayao. Read more


Ilang magsasaka, kabilang sa mahigit 30,000 na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 13, 2024
Kapusong Totoo

Batid ng GMA Kapuso Foundation ang mabigat na kalbaryong kinakaharap ngayon ng mga magsasaka dahil sa El Niño. Kaya naman agad tayong naghatid ng tulong sa 6 na probinsya sa bansa na matinding naapektuhan nito. Ilan lang sila sa mahigit 30,000 ating naabot. Read more


Lalaking may "paranoid schizoprenia," maayos na ang lagay matapos ipasuri at ipagamot ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 11, 2024
Kapusong Totoo

Sa loob ng limang taon, sa maliit na kwarto lang umiikot ang mundo ng isang lalaking inilapit ng isang good samaritan sa GMA Kapuso Foundation. Matapos ang tatlong buwang gamutan, kumusta na kaya siya ngayon? Read more


GMA Kapuso Foundation, nagpapatayo ng Kapuso Classroom sa Mankayan, Benguet | 24 Oras

Apr 9, 2024
Kapusong Totoo

Lubhang naapektuhan ang mga magsasaka sa Benguet nang humagupit ang Bagyong Egay noong Hulyo nakaraang taon. Bilang tulong lalo sa kanilang mga anak, nagpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng mga Kapuso Classrooms sa bayan ng Mankayan. Read more


Mga magsasakang apektado ng tag-init sa Antique, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 6, 2024
Kapusong Totoo

Tuloy-tuloy ang paghatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga lubhang apektado ng El Niño. Ang atin namang tinulungan, mga magsasaka sa Tobias Fornier, Antique. Read more


Ilang magsasakang apektado ng tag-init sa Iloilo, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 4, 2024
Kapusong Totoo

Kung sino pang nagsasaka, sila pang hirap na maghain ng pagkain sa kanilang hapag... lalo ngayong may El Niño. Ang ilan sa kanila sa Iloilo, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Naimpeksyon dahil sa turok ng petroleum jelly, pinaoperahan na ng GMA Kapuso foundation | 24 Oras

Apr 2, 2024
Kapusong Totoo

Pasintabi mga Kapuso, maselan ang paksa na aming itatampok kaya sana po gabayan muna ang mga batang nanonood. Nitong Pebrero ay dumulog sa GMA Kapuso Foundation ang isang lalaki na na-impeksyon sa maselang bahagi ng katawan. Read more


Mahigit 200, hinandugan ng libreng papsmear at breast exam ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 1, 2024
Kapusong Totoo

Hindi pa tapos ang pagsaludo natin sa mga kababaihan, gaya ng isang ina sa Cebu na doble ang pagsasakripisyo para maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Kabilang siya sa mga niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga katutubong Hanunuo-Mangyan na apektado ng tagtuyot, hinatiran ng tulong | 24 Oras

Mar 28, 2024
Kapusong Totoo

Isa sa pinaka-apektado ng tag-init ang mga katutubo sa Bulalacao, Oriental Mindoro na pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay. Tinulungan sila ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan.   Read more


Mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot sa Or. Mindoro, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 26, 2024
Kapusong Totoo

Matinding epekto ng el niño na sinabayan pa ng pamemeste ang kalbaryong sinusuong ngayon ng mga magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro. Kaya naman agad na dinayo ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang lugar para maghatid ng tulong. Read more

advertisement


Libreng HPV DNA testing at breast exam, handog ng GMA Kapuso Foundation sa 100 kababaihan sa Gainza, Camarines Sur | 24 Oras

Mar 23, 2024
Kapusong Totoo

Kabilang ang pawid o bubong sa mga produktong puwedeng malikha mula sa dahon ng sasa o nipa na siya namang kabuhayan ng mga kababaihan sa Gainza, Camarines Sur. Sa pagpapatuloy ng ating Women's Month celebration, sila naman ang hinandugan ng libreng serbisyong medikal ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga magsasakang apektado ng tagtuyot, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 21, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa tagtuyot sa Cagayan at Isabela, nangangamba ang mga magsasaka na baka wala na silang maaning pananim. Kaya naman nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation para magbigay ng tulong. Read more


300 blood bags, nalikom sa LTFRB at TRADOC ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 19, 2024
Kapusong Totoo

Sa paparating na Semana Santa, inaasahan na bababa ang bilang ng blood donors dahil sa kabi-kabilang bakasyon o pag-uwi sa probinsya ng ating mga kababayan. Para tugunan 'yan, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project katuwang ang ating partner organizations. Read more


Mahigit 1,000 indibidwal sa Davao Oriental, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 16, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa nasirang tulay dulot ng masamang panahon, apektado hindi lang kabuhayan ng ilang taga-CARAGA, Davao Oriental... pati ang pagbili nila ng mga pangunahing mga pangangailangan. Sila naman ang ating hinatiran ng tulong... sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more


100 kababaihan, hinandugan ng libreng papsmear at breast exam ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 12, 2024
Kapusong Totoo

'Di lang maganda at mahalimuyak, nagbibigay rin ng kabuhayan para sa ilang kababaihan sa Santa cruz, Laguna -- ang sampaguita. Ngayong "National Women's Month," may regalong serbisyong medikal ang GMA Kapuso Foundation para sa kanilang kasipagan. Read more


Libreng medical services handog ng GMA Kapuso Foundation sa ilang kababaihan sa Morong, Rizal ngayong Women's Month | 24 Oras

Mar 9, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong araw ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day, Isang pagbati po sa lahat ng kababaihan na hindi matutumbasan ang dedikasyon at sakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilang kababaihan sa Morong, Rizal ang hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng serbisyong medikal at iba pang regalo kabilang ang isang inang doble kayod para mapagtapos ang mga anak. Read more


GMA Kapuso Foundation kaisa ng BFP sa kampanya nito ngayong "Fire Prevention Month" | 24 Oras

Mar 7, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong "Fire Prevention Month," kaisa ng Bureau of Fire Protection ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang kampanya kontra sunog. May handog pang first aid tips ang ating partner doctor sakaling maging biktima ng sunog. Read more


GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng 3 Kapuso classroom sa Mankayan, Benguet | 24 Oras

Mar 5, 2024
Kapusong Totoo

Lubos mang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Egay noong nakaraang taon, tuloy sa pagkayod ang mga magsasaka sa Benguet para may pantustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Bilang tulong, magpapagawa ng mas pinatibay na Kapuso classrooms sa kanilang lugar ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Kapuso School Development Project. Read more


Batang may malaking bukol sa likod ng ulo, idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 2, 2024
Kapusong Totoo

Wala nang mas sasakit pa para sa isang ina na makitang may iniindang kundisyon ang anak. Kaya naman ang isang batang pinahihirapan ng malaking bukol sa ulo, idinulog na ng kanyang ina sa GMA Kapuso Foundation. Read more


GMA Kapuso Foundation, isinakatuparan ang pangarap na magandang ngiti ng mga benepisyaryo ng "Ngiting Kapuso Project" | 24 Oras

Feb 28, 2024
Kapusong Totoo

72% ng mga Pilipino ang nakararanas ng tooth decay na nagreresulta sa pagkabungi, ayon sa pag-aaral ng National Survey on Oral Health noong 2018. Pero dahil sa kahirapan, hindi magawang makapag-pakonsulta sa dentista o 'di kaya ay makapagpa-pustiso ng ilan. Sa ilalim ng Ngiting Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation, tinulungan natin silang maibalik ang kumpiyansa sa sarili. Read more